J.Co lang

by Sankage Steno

Sinubukan kong maging normal na middle class kaninang lunch time. Pumunta ako sa Subway muna para bumili ng BLT kasi may promo (hindi ako bibili du’n kapag walang promo), ta’s dumiretso ako du’n sa bagong bukas na J.Co sa may Paseo Center. At, as usual, mahaba ang pila.

First time kong bumili sa J.Co. Di kasi ako palabili ng sobrang mahal na pagkain. Pero dahil sweldo naman at may konti pa ‘kong natirang pera from my last pay, at dahil stressful ang work, I rewarded myself with donuts. Ayun, nakipila ako, parang enrollment lang sa UP. Naubos ‘yung break time ko sa kakahintay. Pero, okay lang, aircon naman sa loob. Di nakakairita.

Wala ‘yung Green Tease flavor na gusto kong i-try kaya bukod sa Alcapone, pinili ko na lang ‘yung Choconuttzy, Glazzy at White Desert.

Pagdating ko sa office, syempre mega-flaunt pa ‘ko ng box ng J.Co. Takaw-pansin kasi. Alam mong bagong sweldo. Ang yabang-yabang ko pa, ‘yung tipong pinapahalata ko sa iba na bumili ako sa J.Co kahit half dozen lang naman. Nu’ng malapit na ‘ko sa cubicle ko, nakita ko ‘yung isang officemate na may box na pang-one dozen.

Sa bwisit ko, kinuha ko s’ya ta’s tinapon ko sa fire exit.

Inupakan ko na agad pag-upo ko ‘yung Alcapone. Masarap naman. Di masyadong matamis saka okay ‘yung mga nasa ibabaw, kung ano man s’ya. Almond ba ‘yun? Subtle lang din ‘yung white thingy na matamis, at ‘yung tinapay e malambot. In other words, puro hangin.

Sunod kong tinikman ‘yung Choconuttzy. Kadiri. Pagkagat ko pa lang, bumulwak na agad ‘yung puting likido. Natuluan pa ‘ko sa pantalon. Pota. May tulo ako… sa pantalon! Kadiring donut. E whipped cream lang naman ‘yung nasa loob. Di man lang bavarian. ‘Yung sumunod kong kagat, bumulwak na naman s’ya, pero di na tumulo sa pantalon ko, du’n na sa box nilang maganda (na feeling ko ‘yun ang nagpapamahal sa kanya).

Nagtrabaho na muna ako bago ko tinikman ‘yung dalawang natitirang flavors.

Kinain ko next ‘yung White Desert na sabi sa ‘kin e coconut daw ‘yung nasa ibabaw. Pinili ko s’ya kasi gusto kong ikumpara sa butternut ng Dunkin. Ayun, butternut pa rin. Buset nga lang at tinanggal na ng Dunkin. ‘Yung choco butternut naman nila, ginawang premium donut. As if! Feelingerang donut.

Finally, ‘yung Glazzy. Well, pinili ko s’ya to compare naman sa Krispy Kreme at sa Cielo’s (Tama ba? ‘Yung nasa may Katipunan. Buhay pa ba ‘yon?). Ang hatol ko, umm, Krispy Kreme pa rin. O baka nagkataon lang na malamig na ‘yung donut at soggy na nu’ng kinain ko. Well, ¬†kasama ‘yun sa judgment. It happens talaga.

Ang masasabi ko lang sa J.Co, di na ‘ko uulit. Di ko na gagastusin ‘yung sweldo ko para bumili ng mamahaling donut. Masaya na ‘ko sa Dunkin (not Mister Donut). Siguro babalik na lang ako du’n kapag niyaya ako ng ka-date o ng magiging The One ko. S’ya papipilahin ko ta’s panonoorin ko lang s’ya mula sa isang sulok.