How to unlearn

by Sankage Steno

Grabe, sobrang kapagod lang. Medyo pinagsisisihan ko tuloy na nagpakatalino ako sa pag-aaral. Ending tuloy, slave ako sa corporate world. Kung sana e naging batugan na lang ako at mediocre, baka naging mautak pa ‘kong negosyante ngayon o entrepreneur at hindi empleyado.

Ang hirap kasi, mentos marami kang alam at marami kang nagagawa, lalo ka pang bibigyan ng maraming trabaho at maraming responsibilidad. Ba’t gano’n? E di naman tumataas ang sweldo. Dumami lang ‘yung sakit sa ulo. ‘Yung laman ng bulsa ko, gano’n pa rin, kakalog-kalog. Bwiset. Buti sana kung kumikita ako nang malaki, at least pwede kong tiisin ‘yung stressful na trabaho.

Anyway, since matalino na ‘ko at lalo pang tumatalino dahil sa kakabasa, mahihirapan na ‘kong baguhin ‘yung kalagayan ko. Unless maghahanap ako ng trabahong di masyadong ginagamitan ng utak at malaki ang sahod. Meron bang gano’n? Feeling ko meron naman. Di ko lang alam kung ano. Baka naman may alam ka, sabihan mo naman ako.

‘Wag lang ilegal ha. And definitely NO NETWORKING, please.

Minsan nga iniisip kong mag-ipon na lang nang malaki-laki, ta’s pupunta ako sa malayong probinsya at du’n magtitinda ng fishball o isaw o both. Bale sa hapon lang ako magtitinda, papagabi, ta’s the rest of the day, gagamitin ko lang sa talagang mga bagay na gusto kong ginagawa, like magsulat o maglaro o manood ng movie o mamasyal o magbasa-basa.

Pero hangga’t wala pa ‘kong gano’ng ipon, tiis-tiis muna sa mga abusadong tao d’yan at sa mga mahilig mag-exploit ng cheap labor.

Buti nga naisisingit ko pa ‘tong blog sa pang-araw-araw kong buhay. Kung wala pa ‘to, e di ano na? Wala na. Puro trabaho na lang. Ni di ko na nga ulit makuhang magbasa ng mga gusto kong libro. Kapag kasi umuuwi ako sa bahay, ayoko nang gumamit ng utak. Gusto ko na lang manood ng TV o makinig ng music. Gusto ko idle na lang, di na nag-iisip. Gano’n kasakit sa brain cells ‘yung trabaho ko.

Syempre di ko pwede idetalye rito ‘yung ginagawa  ko hano? Suffice it to say na ‘yung trabaho ko dati sa TV, sa dyaryo at sa magazine, pinag-isa. At ‘yung sweldo, isa lang din. Tanga ko rin e. Pinasok ko ‘to. E malay ko ba? Iba ‘yung nakalagay sa job description, ta’s iba ‘yung pinapagawa. Pwede ko bang ireklamo ‘to sa NLRC? Siguro. Pero most likely hindi ako mananalo. Kung manalo man ako, bibigyan lang ako ng konting pera, ta’s tanggal na ‘ko.

Yey! Ang saya ng buhay. Potarages.