Nabondat

by Sankage Steno

Me pangarap akong tutuparin ngayong gabi. Syempre pangarap ko. Pakialam ko naman sa pangarap mo. Tutulungan ako ng isang kaibigan kaya lalong masaya. Ibig sabihin kasi, di ako ‘yung gagastos. Thank you so much! The best things in life talaga are libre. Yes, promote.

Makakakain na rin ako sa wakas sa Vikings. Buffet ‘yon! Gluttony to the nth level! Yehey! Grabe, natuwa pa ‘ko e magkakasala na nga. Well, gano’n talaga ‘pag di naniniwala sa impyerno. YOLO lang nang YOLO. Kids, ‘wag n’yo kong gagayahin. Hindi ako role model… ramp lang.

Alam mo kase, masaya ako kasi twice nang nabulilyaso ‘yung dapat e pagpunta ko noon sa Vikings. Da’t iko-cover ko s’ya sa magazine noon, kaso naharang ng boss ko. ‘Yung next opportunity naman e nu’ng Christmas party two years ago. Di naman ako pwede kasi may ibang lakad ako. Kainis lang. So tonight, matutuloy na s’ya. I think. Malay mo mamatay ako mamaya.

Taragis. Lord, ‘wag n’yo po munang babawiin ‘yung buhay ko. Di pa ‘ko nakakakain sa Vikings. Saka virgin pa po ako!

I promise myself na hindi ko muna lalantakan ‘yung mga Japanese food at ‘yung mga dimsum. Adik kasi ako sa mga ‘yon, e pagdating pa naman sa buffet sila ‘yung madaling makabusog. Ta’s ang mura-mura pa nila. So mamaya, uunahin ko talaga ‘yung mga mamahalin, kahit pa di ko sila masyadong bet. Titikman ko lang. Save the best for last, ika nga. So ihuhuli ko ‘yung mga gusto kong kainin. ‘Pag masikip na ‘yung sinturon ko at mahirap nang umupo.

Sana may tea silang libra para makatulong sa digestion. ‘Pag umiinom kasi ako no’n, parang lumuluwag ulit ‘yung tiyan ko. Parang pwede na ulit tambakan ng sangkaterbang pagkain kahit busog na busog na ‘ko.

Ta’s sabi rin do’n sa nabasa ko, dapat daw e maglakad-lakad muna. Libutin ‘yung buong lugar para makita lahat ng choices, saka para madagdagan ‘yung gutom mo. Gagawin ko talaga ‘yon mamaya. Pipigilan kong kumuha agad nu’ng matipuhan ng mga mata ko. Takaw-mata rin kasi ako, parang ikaw. Yikes.

And! I’ll make gamit a small plate lang. Kapag kasi malaking plato ‘yung ginamit ko, marami ako mailalagay agad. Madali agad akong mabubusog. E hindi dapat. Kinonotian ko lang nga ‘yung kinain ko kaninang lunch. Pinaghahandaan ko talaga ‘tong gabing ‘to. Sayang e. Pwedeng magkandasuka-suka sa sobrang kabusugan. Wala namang pasok bukas. Pwede ring magpakalasing! Wit! Wit!

So pa’no? Kitakits na lang sa Vikings kung pupunta ka rin do’n. Kung di naman, sa birthday mo na lang. Libre mo ‘ko. Inform mo lang ako dito o sa Facebook o sa Twitter. There are many ways to reach my stomach, and subsequently my heart.❤