O kay tulin ng

by Sankage Steno

…araw.🙂

Magpapatugtog ako ng Christmas songs mamayang gabi. Sorry na lang sa mga kasama ko sa bahay at sa mga kapitbahay kung maririnig nila. Pasensyahan na lang. Wala e, kailangan kong mag-chill. Ayoko namang lumaklak ng cocaine o humitit ng marijuana para ma-relax. Baka matunaw ‘yung utak ko at kung ano pa maisulat ko rito. Wait, that’s not a bad… never mind.

Buti nakopya ko na ‘yung daan-daang Christmas songs sa hard drive ng friend ko. Magpapaka-high talaga ako mamaya. High sa kanta. Di na nga ako nagta-tramadol e. Ayoko namang maging dependent sa gamot. Oy, di bawal na gamot ‘yon. May reseta kaya ako ng doktor. Gagamitin ko lang s’ya in times of unbearable distress. Medyo bearable pa naman ngayon.

Ibang emosyon kasi ‘yung dala ng mga pamaskong kanta. Kahit di malamig ‘yung simoy ng hangin, feeling lumalamig. Mind over matter, fine. Whatevs. Ta’s parang naaamoy ko rin ‘yung bibingka at puto bumbong kahit wala naman talaga. Puro kaadikan lang.

Saka, alam mo ‘yon, kahit taon-taon kong pinapakinggan ‘yung mga kantang ‘yon, di ko pinagsasawaan. E to think na ‘yung boses ni Jose Mari Chan e hindi naman ka-like-like. Mahihiya pa nga LSS sa kanya. Pero patok. Naiisip ko pa lang nga, parang gusto ko nanag magbalot ng regalo sa bahay. Parang gusto ko nang bumili ng malaking Christmas tree at ubusin ‘yung sahod ko sa pagbili ng mga palamuti ng lecheng puno na ‘yan. Ang mahal!

Grabe lang talaga, sa sobrang mentally stressed ko, hinahanap-hanap ko na agad ‘yung Pasko kahit Agosto pa lang. Oh well, sa isang linggo naman e simula na ng -ber months. Ibig sabihn 100+ days na lang, Pasko na!

Wala akong pakialam kahit maubos ‘yung pera ko sa pagbili ng mga regalo o sa pamumudmod ng aginaldo. Okay lang, masaya naman. Saka never naman akong naubusan ng pera. I mean, never pa ‘kong nag-negative o nagkautang. Maswerte pa rin ako. Don’t get me wrong. Di ako mayaman, pero di rin naman ako financially distressed.

Sana talaga dumating na ‘yung hanging amihan para mas swak sa pagpapatugtog ko ng Christmas songs. At sa’n ba nakakabili ng chestnuts sa ganitong buwan? Shet, nai-imagine ko ‘yung amoy. I can’t wait to go home. Ngayon na, magpapatugtog na ‘ko sa YouTube. Damayan mo naman ako. Ito ‘yung link.

Let’s!