Dabestalaga

by Sankage Steno

I never thought I’d say this in my adult life, pero I think this is one of the best Mondays ever, so far. But let me be more precise. I believe this is the best weekend-Monday combo ever. Grabe. Iba talaga kapag unexpected things go your way. In Tagalog, um, basta masaya s’ya.

Kita mo naman, ang aga-aga, nakapag-blog na agad ako. Samantalang nu’ng isang linggo, tatlong araw lang yata ako nakapagsulat. Jusko! Sana di na maulit ‘yon ever. Sana makapagsulat na ulit ako regularly, as in araw-araw. Nagkaka-withdrawal syndrome kasi ako ‘pag di nakakasulat. Parang sinisilaban ‘yung pwet ko. Alam mo ‘yun?

I have to thank my absent boss today for this exhilarating feeling. Kung pumasok s’ya ngayong araw, baka sira na agad ‘yung umaga ko. Baka di ko magawa nang mabilis ‘yung trabaho ko. Baka stressed na naman ako. Well, buti wala s’ya. Na-postpone ng isa na namang araw ‘yung pagkangarag ko sa trabaho. Amen to that! Ang happy ng life! Yeah, whatevs.

But that’s not the only reason kung ba’t masaya ako today. Isa pang dahilan e dahil di ako na-late sa pagpasok kahit pa siksikan sa bus at sa MRT. Parang may magic na naganap talaga, ‘yung tipong bumagal ‘yung oras o huminto pero patuloy pa rin ako sa paggalaw para di ako mahuli. Da bes ‘yun. Di naman talaga ako laging nale-late, pero may mga time na nagagahol ako sa oras, so mega takbo ako pagpasok kaya wa-poise na pagdating sa office. Not today, my friend. Not today.

And during the weekend, three da bes things happened.

Last Friday night, kasama ko ‘yung best friend kong nanood ng Rurouni Kenshin sa SM Megamall. Okay lang s’ya. Mas gusto ko ‘yung part one, pero at least nakapunta ulit ako sa mall. Nakita ko na naman ‘yung mga magagandang painting sa 4th floor. Para akong nagpunta sa art museum nang libre. ‘Yun na ang paborito kong lugar sa Megamall, apart from Booksale sa underground floor, malapit du’n sa food court.

Then nu’ng Saturday naman, kahit na-evict kami sa classroom namin dahil sa entrance exam, masaya naman ‘yung ending. Du’n kami sa cafeteria sa labas nagklase, ta’s nilibre pa ‘ko ng mga estudyante ko ng cake. Winner!

But it wasn’t over yet. That night, nagkayayaan bigla kaming magkakabarkada nu’ng high school/grade school/kindergarten. Imagine, mag-aalas onse na ng gabi ‘yon, pumunta pa kami ng NLEX para lang… guess what… magkape! Lupet ‘no? Mas malupit sana kung na-mick up kami, pero we’re too wholesome for that that night.

Kwentuhan lang ‘yung nangyari. Catch up, catch up sa isa’t isa. Ta’s ulitan ng jokes at funny experiences. Alam mo ‘yung tuwing magkikita kayo, pagkukwentuhan n’yo ‘yung same old things at sasabihin ‘yung same old jokes, pero todo pa rin ‘yung tawa n’yo? Classic. I love my friends for that. Kahit inabot na kami ng alas-tres ng madaling-araw, sulit ‘yung pagod at puyat.

That late-night experience was priceless.

Speaking of priceless, pahuhuli ba naman ‘yung malaki naming angkan? Nu’ng Linggo naman, paggising ko ng alas dose, saktong tanghalian, ang tumambad sa ‘kin e ‘yung maiingay kong mga kamag-anak. Nagkakasiyahan. Birthday kasi ng tiyahin ng mama ko, o ‘yung kapatid ng lola ko sa mother side. So may konting salu-salo sa labas ng bahay.

Oo, sa labas talaga. Naglabas lang kami ng mesa at pinatungan ‘yun ng dahon ng saging. Solb! Du’n kami nananghalian ng inihaw na baboy, halabos na hipon, pucherong baboy, pritong manok (para sa mga bata) at mainit na kanin. Ang sarap. Shet, naglalaway ako ngayon. Lalong nakasarap ‘yung nagkakamay lang at sa dahon kami kumakain. Iba talaga sa probinsya, lalo na ‘pag kasama ang pamilya.

Kahit kulang na kulang pa rin ako sa tulog, sobrang na-recharge naman ‘yung kaluluwa ko. And with my spirit this high, lango-lango na rin sa kasiyahan ‘yung katawan ko. Dinaig pa ‘yung pagngasab ko ng isang pack ng Oreo Doublestuf at 500mL na C2 Green Tea apple flavor. Pramis, alang sinabe.