u + ToT

by Sankage Steno

Buong araw kumakalam ‘yung tiyan ko. E ang hirap pa namang umutot sa office. Sobrang tahimek! Huminga ka lang nang malalim, tutunog na ‘yung Fire Alarm. Konek? Seryoso. Kapag bumulong ka, titingnan ka na ng katabi mo. At kung may librarian lang du’n, baka napalabas ka na.

So pa’no naman kung utot, di ba? Kung nasa totoong news room lang kami, sa sobrang ingay du’n ‘pag crunch time o deadline na, di maririnig ‘yung utot ko. Saka madalas naman walang tunog ‘yung utot ko. Hangin lang. E sa office, kahit hangin lang grabe kung makaeskandalo. Pramis. 

For example, nu’ng stressed na stressed na ako dahil sa dami ng pinasusulat, nagbuntung-hininga ako. Nakatanggap ako ng memo nu’ng sumunod na araw. Unruly behavior daw. Charot lang. Basta nu’ng huminga ako nang may tunog, napahiya ako sa sarili ko kasi ume-echo talaga sa buong floor. Kulang na lang talaga e maghukay ako du’n at ilibing ‘yung sarili.

So ang ginawa ko kanina para di mahalata ‘yung pag-utot ko, tumakbo ako sa CR. E pagdating ko naman du’n, di na ‘ko mautot. Umurong yata, parang tae lang. E ayoko namang umire nang todo dahil baka di na hangin ‘yung lumabas. Baka me laman nang kasama. Yuck! Kadiri ko. Nandidiri ka na ba sa ‘kin? Kumakain ka ba ngayon? Ituloy mo lang. Lalakas sikmura mo.

Dahil di ako mautot, balik na ‘ko sa desk ko. E tangina, humilab na naman ‘yung tiyan ko. Pinaglalaruan ako ng pukinenang intestines at pwet ko. Kung kelan talaga nakaupo na ‘ko saka bumalik ‘yung sensation sa tiyan ko. Pota. Bwiset. E tinamad na ‘kong bumalik sa banyo, saka nahihiya akong maglakad-lakad dahil maingay ‘yung rubber shoes ko. Ayun, tiniis ko na lang ‘yung masamang hangin sa bituka ko.

Naramdaman ko talagang naglalaro sila sa loob, patintero yata. Hindi ko alam kung ano ‘yung kinain ko para magkaganu’n kanina. Feeling ko ‘yung kamote cue na nilamon ko nu’ng lunch. Naubusan na kasi ako ng kanin at ulam dahil alas dos na, so no choice kundi ‘yung mga pangmeryenda. E gustung-gusto ko pa naman ng kamote (saka saging), so ‘yun ‘yung binili ko. ‘Yan tuloy, utot galore.

Next time, ‘pag inatake ulit ako ng utotology, isusuot ko na ‘yung headphones ko at magpapatugtog nang malakas. Saka ako uutot. Kebs na lang sa kung sino ‘yung makikinabang sa pinagpala kong hangin.