Sabi nang bawal e

by Sankage Steno

Si Zedd na pala ang bagong mukha ng Anti-Smoking campaign ngayon. Dahil d’yan, titigilan ko na talaga ang pagyoyosi.

As if naman. Pero, seriously, lalo akong naging fan dahil sa ginawa n’yang ‘yon. Ang hirap kayang maging non-smoker kung DJ ka sa club. Imagine, gabi-gabi puro usok at alak kasama mo, ta’s ikaw di ka nag-smoke. Puro second-hand smoke lang. Pwede na rin. Mas delikado.

Sa ganang akin, di naman ako chain o regular smoker. Patikim-tikim lang saka kung me okasyon at kasama ‘yung mga kaibigang sunog-baga. Syempre, di naman pwedeng ako lang ‘yung tagasinghot nu’ng mga usok nila. Dapat I should pay it forward. Dapat mutual. So, ayun, buga-buga rin ‘pag may time. I know it’s dangerous to my and their health, pero ganu’n talaga.

Lalo na ‘pag stressed na stressed ka, instant relief kaya ‘yung yosi. Well, instant relief din naman ‘yung pagpapahangin at paglalakad-lakad, pero there comes a point na di na talaga mabisa ‘yon. Di na tatalab. Kailangan mo nang gumamit ng kemikal. No, please, I won’t talk about illegal drugs dahil virgin pa ‘ko d’yan. Hanggang mga opioid lang ako, which is not really bawal na gamot. Pwede s’ya basta me reseta ng doktor.

Gusto ko ngang masubukan ‘yung marijuana e, kaso illegal. Kahit me hika ako, di ko pwedeng gamitin for medical purposes. Nakaka-curious lang kasi ‘yung amoy saka ‘yung effect nu’n sa utak. Ano kaya maiisip ko ‘pag nakasinghot ako no’n? For sure hindi s’ya katulad ng sigarilyo na mabaho at nakakairita ang amoy.

Ang isa pang gusto kong i-try e ‘yung cigar. As in ‘yung totoong cigar. O mas sikat sa ‘tin bilang tabako. Huli akong nakakita no’n e sa Ilocos Norte pa. Bibili sana ako kaso di ko tinuloy. Kulang kasi ‘yung pera ko pambili. Naubos na sa pasalubong. Ginawa ko, inamoy-amoy ko na lang du’n. Mukang masarap s’ya. Sayang.

If you’re a non-smoker, baka minumura mo na ‘ko ngayon. Or if you’re someone “who knows me,” pero di alam na nagyoyosi ako, either nagulat ka o bumaba tingin mo sa ‘kin o both. Sorry to break your “puff of smoke,” I’m not really sorry.

Para sa mga judgmental, I won’t judge you. Naiintindihan kita. Ganyan din ako dati. Pero over the years, marami akong nakilalang tao na naninigarilyo pero di naman masasama. Marami din naman akong kilalang clean living pero madumi ugali. Marami rin akong kilalang naninigarilyo pero mahaba buhay. At marami akong kilala na clean living pero maagang namatay.

So is cigarette smoking okay for the health? Scientifically, no. Syempre hinde. Pero in reality, well, it ain’t so bad. Pero ‘wag ka daw manigarilyo sabi ni Zedd. I think I’ll follow. I’m a fan e.

P.S. Nakakapangit ng boses ang pagyoyosi.

Screen Shot 2014-09-02 at 10.52.00 PM