Two you

by Sankage Steno

I got two interesting emails from unknown folks this week. Una, nag-email sa ‘kin ‘yung isa kong reader. Well, this is not the first time I got a message from a reader, pero may follow up ngayon. We’ll have coffee. Chillax lang. Swerte pa na ‘yung napili n’yang lugar e ‘yung paborito ko talagang tinatambayan. And, no, it’s not Starbucks (although I love their caramel macchiato and mocha frappe).

The second email I got, kanina lang dumating. Sobrang na-touch ako kasi isa s’yang reader din na humihiling na batiin ko raw ‘yung kaibigan n’ya dahil lagi raw binabasa ‘yung blog ko since last year. Hindi ko inexpect na may gagawa sa ‘kin nito. Feeling ko artista na ‘ko. Funny. Lumalaki lalo ‘yung ulo ko. Ang yabang-yabang ko na nga, lumalaki pa lalo ego ko. Tama na, please.

Anyway, ang naisip ko lang na paraan para batiin ‘yung kaibigan ng aking email sender e through this blog. Siguro naman maniniwala na s’ya sa ‘yo na ako nga ‘tong bumabati sa kanya. Sa Sunday pa kaarawan n’ya, pero di kasi ako nagba-blog ‘pag Linggo, so ngayon na lang. Here it is:

Fredelyn, happy birthday!😀

Salamat sa pagbabasa ng mga sinusulat ko rito. Kung kaya ko lang maglabas ng boses sa blog ko, kinantahan na kita. Salamat din sa kaibigan mong si Angee na nag-email pa sa ‘kin para lang mapasaya ka sa kaarawan mo. Sabi n’ya, s’ya raw ang nag-introduce ng blog ko sa ‘yo. Sobrang natuwa ako sa info na ‘yon. Maraming, maraming salamat sa inyong dalawa. You two make me happy.

My weekend is only starting pero feeling ko solb na solb na ‘ko. Feeling ko, kahit di na ‘ko manood ng concert mamaya o mag-videoke kasama ‘yung friends ko o tumakas ulit bukas ng hatinggabi para magkape sa gitna ng NLEX, sulit pa rin ‘yung mga araw ng pahinga ko. Minsan talaga di mo na kailangang magdroga para maging high. Not that I’m into drugs.

(Leche, ba’t lagi ko yatang nababanggit ‘yung droga sa blog ko lately?)

Kung may pulis o taga-PDEA na nagbabasa ng blog ko, pare, mare, chillax lang ha. Salamat sa pagtangkilik. Sana hindi kayo manawa. Sana rin hindi n’yo patulan lahat ng pinagsasasabi ko rito. Think of this blog as my dream weaver. Tagagawa lang ng panaginip. Panaginip… meaning, hindi totoo. Gawa-gawa lang ng isipan. And, please, don’t let me start discussing about REM o Carl Jung.

So there, natapos na naman ang isang linggo. Dalawang araw na naman ng pahinga. Makakatulog na ‘ko sa wakas nang mahaba-haba… mga 4 hours, ganyan. Makikita ko na ulit sa wakas ‘yung pamilya ko at mga kamag-anak sa ‘min sa probinsya. Madidilaan na ulit ako ng aso namin. Makakapagsulat na ulit ako ng mahabang kwento (not here). At makakakain na rin ako sa wakas ng lutong-bahay.