Di makatulog sa gabi

by Sankage Steno

Nu’ng Linggo, du’n ako natulog sa kwarto ng mama ko kasi natatakot ako sa kulog. Syempre joke lang ‘yon. Ba’t naman ako matatakot sa kulog? Pfft. Lagi kayang kulog ang almusal ko sa umaga. Saka anlaki ko na kaya. Wala na ‘kong kinatatakutan. Kulog lang? Bring it on, Zeus!

So, ‘yun nga, hindi ako sa kama ko natulog. And guess what, di rin ako nakatulog nang maayos. Namahay ako sa sarili kong bahay. Antagal-tagal ko nang nakahiga pero nakapikit lang ako, gising pa rin ‘yung diwa. Ta’s habang naiisip kong di ako makatulog, lalo naman akong naii-stress, kaya lalo pang di ako makatulog. Gets mo?

Nu’ng nakatulog naman ako, biglang nagtatahol ‘yung aso namin, ta’s narinig kong may kumakatok sa gate. E di napabalikwas naman ako. Bangon agad para pagbuksan ‘yung kung sino mang gagong ‘yon na alas-dos na ng madaling-araw (at may pasok pa bukas) e nasa labas pa at nagpupuyat. Kapatid ko pala. Oh well, what’s new? Nagising na ‘ko, di pa man din lumalalim ‘yung tulog ko.

Then bumangon na ‘ko ng 10 to 4am.

Nakaidlip naman ako kahit konti sa byahe, pero medyo bangag pa rin ako sa work. Don’t worry, marami akong nagawa. Mas mahusay akong magtrabaho minsan kapag bangag. Pero alam kong may tradeoff ‘to balang araw. At feeling ko alam ko na kung ano.

May nabasa kasi akong balita kahapon after kong magtrabaho. Tungkol ‘to sa kakulangan sa pagtulog. Sabi du’n sa article, nakakaliit daw ng utak kapag laging kulang o naiistorbo sa pagtulog. ‘Pag daw less than 8 hours kang nakatulog, bababa raw ‘yung IQ mo the next day. So imagine kung araw-araw e 7  or less hours ka lang natutulog. Pagtanda mo, baka maging ulyanin ka o baka magkaroon ka ng kung ano mang brain degenerative disease.

Di naman malayong mangyari ‘yon, di ba?

I mean, scientifically proven naman ‘yan, pero kahit di pa backed by research, alam mo nama sigurong mahalaga ‘yung pagtulog. Ang tanong, ba’t ba tayo natutulog? Ba’t ba tayo inaantok? Sa sobrang common na kasi, di masyadong napapagtuunan ng mga researchers at scientists ‘yung science of sleep. Kung ikukumpara sa AIDS o cancer, di hamak na mas marami tayong alam du’n kesa sa pagtulog. Ni hindi nga natin alam kung ba’t tayo nananaginip e o kung para sa’n ‘yung panaginip.

Yeah, I know, merong mga studies na d’yan before, pero hindi s’ya kasing-intensive tulad ng pag-aaral natin sa, say, galaxies o electronics o cardiovascular diseases.

Wala lang. Kinabahan lang ako. Kasi ang average hours of sleep ko lang e 6 or 7 hours. I don’t feel naman na humihina ‘yung IQ ko, thank god, pero baka ang balik nga nito e sa pagtanda ko. Baka du’n ako singilin. O baka kaya lagi rin akong stressed e dahil kulang ako sa tulog. At bakit ba ‘ko laging kulang sa tulog? Sino ba ‘yung laging nag-iisip sa ‘kin d’yan gabi-gabi? Patulugin mo naman ako, please. Pa-kiss muna.