Buti na lang

by Sankage Steno

Hindi ako die-hard fan ng Eraserheads, pero ‘pag naririnig ko ‘yung mga kanta nila, hindi ko maiwasang sumabay sa pagkanta kahit sa’n pa ‘yan—sa videoke, sa hole-in-the-wall inuman, sa jeepney, sa bus, sa opisina, sa motmot (ay puta, erase-erase), as in kahit sa’n talaga. Bukod do’n, bumubuhos din ‘yung mga alaala ko nu’ng dekada ’90, ‘yung kabataan ko.

Naaalala ko ‘yung time na tinuli ako (shet, tuli pala ako). Actually, pareho sila ng Parokya ni Edgar na nagpapaalala sa ‘kin nu’ng time na pinutulan ng balat ‘yung titi ako. Puro mga kanta kasi nila ‘yung naririnig ko sa casette player at karaoke sa bahay nu’ng mga panahong ‘yon. Minsan nahahaluan ng Rivermaya, True Faith, Introvoys at After Image, pero lamang na lamang pa rin ‘yung Eheads.

So laking tuwa (Oo, malaki talaga) ko na lang nu’ng mapanood at mapakinggan ko ngayon-ngayon lang ‘yung bagong single ng Eheads. Kung di mo pa alam, ang title n’ya e “Sabado.” Kung di mo pa napapakinggan o napapanood, click mo lang ‘to. Don’t worry, di mawawala ‘yung blog ko. Magbubukas ‘yan ng panibagong tab.

At, syempre, naalala ko na naman ‘yung time na tinuli ako. Nakahiga lang ako madalas sa bahay, ta’s nakapalda na sobrang laki at sobrang walang fashion sense, saka ingat na ingat akong di madikit sa titi ko kasi masakit. Alam mo ‘yung paghihirap ko nu’ng mga panahong ‘yon? Buti na lang talaga at and’yan ‘yung mga bandang tulad ng Eheads. Just imagine kung wala sila. Ano na lang ‘yung soundtrack ng pagkatuli ko, di ba?

Pinapakinggan mo na ba ‘yung bagong kanta nila? Pakinggan mo na, dali.

Ang maganda du’n sa bagong kanta ng Eheads ngayon, nakaka-relate ako sa lyrics. Alam mo ‘yung part na “Buti na lang Sabado bukas.” Sobrang sakto ‘yon ke estudyante ka o empleyado. Swak na swak talaga. E ‘yun naman talaga ang trademark ng mga kanta nila, ‘yung nakaka-relate ‘yung masa. No wonder icon na sila at legend sa Philippine music industry.

Isipin mo pa ‘to: ‘Yung mga bata noon na nakikinig sa Eheads e mga matatanda na ngayon. I mean, kami na ‘yung mga nagtatrabaho at mga nagpapatakbo sa ekonomiya. Marami na rin sa ‘min ‘yung nagpapatakbo ng bansa. Ibig sabihin, halos lahat kaming pundasyon ngayon ng bansa e naimpluwensyahan ng Eheads o nakapakinig sa mga kanta nila. Ergo, ano man ‘yung ilabas nila ngayon, marami pa ring tatangkilik.

Di pa rin sila laos.

Saka isipin mo na lang. Ilan kaming mga batang lalaki noon ang tinuli at nakinig sa mga kanta nila? Habang nangangamatis ‘yung mga titi namin, background ‘yung mga pinasikat nilang awitin. Ang laki kaya ng epekto nu’n sa psyche namin. Or baka sa ‘kin lang. Ba’t ba ‘ko nandadamay ng iba? Titi ba nila ‘yung titi ko? Di naman a. Ambastos ng utak ko. Makapakinig na nga lang ng puro Eheads sa YouTube.