May booking ako

by Sankage Steno

Ganito ‘yung mangyayari sa 35th Manila International Book Fair ‘pag nagpunta ako du’n mamaya or bukas or kelan man within Sept. 17-21.

Maglilibut-libot muna ako, parang buffet lang. I’ll check all the selections first bago ako mag-stay sa isang lugar lang. But in truth, hindi lang talaga libro ang hinahanap ko—hinahanap ko rin ‘yung The One. Bakit ba? Hit two birds with one stone.

Kapag naka-spot na ‘ko ng target, du’n ako maglalagi hanggang magsara ‘yung convention center. Syempre, da moves, ganyan. Kunwari magbabasa-basa (pero magbabasa talaga ako), ta’s unti-unti akong lalapit para makita ko ‘yung librong binabasa n’ya. Hopefully alam ko rin ‘yung binabasa n’ya or kahit ‘yung author. Sana may nabasa na rin akong gawa n’ya.

Anyway, kahit naman di familiar ‘yung hawak n’yang book, kung type ko s’ya, mag-e-emit pa rin ako ng signal, then ‘pag kumagat, boom! Da moves na.

Sankage: Excuse me. Fan ka rin ba niΒ [insert author’s name]?

The One: Um, yeah.

Sankage: Pareho pala tayo. We have something in common. Can I get your number?

Boom! Wasak. E kung ibigay nga di ba? Patay du’n. Nakabingwit ako ng isang reader din tulad ko. Ibig sabihin, kahit manawa na kami sa katawan ng isa’t isa, di pa rin kami mauubusan ng pag-uusapan at interests sa buhay. So may chance na tumagal ang aming relationship. Yes, sobrang forward thinking. Kainis.

Kapag naman di umepek ‘yung pick-up style ko na ‘yon, ganito na lang…

Sankage: Hi, excuse me. Kanina pa ‘ko paikot-ikot dito. Feeling ko wala ‘yung book na gusto ko. May suggestion ka ba as to what book I should take home with me?

The One: Well, this is weird. Ano bang genre gusto mo?

Sankage: Ikaw. You’re my favorite genre. Can I take you home?

Panes! Ang corny ko, shet. Halatang walang alam sa pamimick up. Ayoko namang magpaka-high minded sa book fair at baka mapahiya lang ako. Baka makatyempo ako ng literature major pala o sobrang talinong tao, ta’s masemplang ako sa pagiging pretentious douche ko. Ansakit lang no’n.

But if that will lead to me meeting The One, okay lang mapahiya. Ayos lang kahit magmukha akong nagdudunung-dunungan. May ibubuga naman ako kahit papa’no, ba’t ba? Di naman ako bobo. Saka marami-rami na rin ‘yung nabasa kong book.

Sankage: Um, excuse me. You’re checking out my favorite book. I assume di mo pa nababasa ‘yan. Go ahead, take it. It’s a good book.

The One: Um, I’m not checking out this book. Actually, you’re the one I’m checking out. I assume type mo rin ako. Go ahead, take me. I’m a [insert dirtiest adjective here] book.

Sankage:❀