Panghuling Pantasya

by Sankage Steno

Nakakatawa lang. Ang sabi Final Fantasy, pero never yatang naging final, kasi may paparating na naman silang laro ngayon, ‘yung FFXV. Napanood ko ‘yung trailer sa FB at, in fairness, sobrang laki na ng pinagbago n’ya from the first FF game na nalaro ko more than a decade ago.

Final Fantasy siguro ‘yung isa sa greatest influences ko sa buhay. ‘Yung transition ko kasi from grade school to high school e tadtad ng larong ‘to, particularly ‘yung FF Tactics, FFVII, FFVIII at FFIX. After nu’n, wala na. Di na ‘ko nakalaro masyado. Lumipat na ‘ko sa PC games like Red Alert, Counter Strike, DotA, Flyff, Dragon Nest, etc. Ngayon naman, puro casual games na lang sa tablet at smartphone, although nakakapaglaro pa rin naman ako minsan ng DotA.

Anyway, dahil FF ‘yung paborito kong laro nu’ng bata, along with Star Ocean at Suikoden (yes, puro RPG), ‘yung wiring ng utak ko e may halong fantasy rin, and it’s no wonder na rin siguro kung ba’t nahilig akong magsulat. Ang gusto ko kasi sa larong ‘to e not so much ‘yung gameplay o ‘yung graphics. Pinakagusto ko ‘yung story. ‘Yun lagi ang hinahanap ko sa laro, kaya mahilig ako sa RPG at kaya maikli pasensya ko sa mga casual games na nagsulputan ngayon.

Just think of Final Fantasy Tactics. Putangina talaga ‘yung kwento no’n. Nasabi ko na ‘to noon at sasabihin ko ulit. It’s Game of Thrones in pixels. It’s bloody, has a complicated plot, has numerous characters, and it’s freaking awesome, albeit disturbing. Hindi ko na s’ya ikukwento. Google mo na lang. Basta hindi ako pinatuloy no’n ng ilang buwan after kong matapos ‘yung laro. Ano kasi e, um, ewan ko kung tragic o happy ending o both.

Basta disturbing, period.

Then came the bittersweet FFVII. Ibang level ‘yung love story nina Cloud at Aerith. Nakakalungkot, pero nakaka-inspire din at the same time. Inisip ko pa na baka naman pwedeng si Tifa na lang. Move on, move on din ‘pag may time. E kaso wala. True love e. Ganu’n talaga. Ala tayong magagawa d’yan.

Pagdating naman sa FFVIII, medyo nanghinayang ako. Di ko kasi natapos myself. Hiniram kasi ‘yung CD ko noon at di na sinoli. Ayun, nganga. Ang gusto ko naman do’n e ‘yung ugali ni Squall. I mean, typical pa-mysterious na gwapo at malakas na teeny bopper, pero deep inside, alam mong concerned and all that jazz. Ewan, masyado lang akong na-mesmerize ng gunblade n’ya.

‘Yung FFIX naman, nagandahan ako kasi sobrang may kanya-kanyang kwento ‘yung bawat character na pinag-isipan din naman at magaganda each. Lahat may pinaglalaban sa buhay na mabigat at, sa kabutihang-palad, lahat din naman e na-resolve sa dulo. Pinakagusto kong story arc e ‘yung kay Vivi. Basta ang prob n’ya e sa identity n’ya. Isa lang kasi s’yang clone, so iniisip n’ya kung totoo ba s’ya o kung ano halaga ng buhay n’ya. Kasi andami n’yang kamuka e, so anong sense ng pagkatao at buhay n’ya, di ba?

Ang ending, acceptance. Basta ang ganda. Di sinabing direkta. Pinakita lang. Show, not tell.

And! Gusto ko rin pala ‘yung kwento nu’ng dragon knight, ‘yung lancer. Shet, ba’t ba nalimutan ko ‘yun? Nalimutan ko pa pangalan n’ya. Google ko na lang later. Love story ‘yung kanya. Bale ‘yung love of her life, nagka-amnesia. At nakalimutan din na mag-asawa sila. (Posible pala ‘yon?) Ang ending, well, sasabihin ko na, fine. Naging sila pa rin, pero never na s’ya naalala nu’ng guy. Minahal s’ya ng guy as a new person. Nakalimot ‘yung utak pero hindi ‘yung puso.

I know, cheesy. Ba’t, masama bang maging cheesy? Andami ko kayang natutunan sa Final Fantasy. So I guess dapat ko nang pag-ipunan ng pera at panahon ‘yung iba pang darating na game. I look forward sa FFXXX. Yes, triple X. <wink>