Bakit hindi dapat ihimlay si Marcos sa Libingan ng mga Bayani

by Sankage Steno

May tatlo akong dahilan.

Una, andu’n ‘yung lolo ko, ‘yung papa ng papa ko. Ayokong madungisan ‘yung lugar na ‘yon dahil sobrang mataas ang pagtingin ko sa mga taong namayapa at inilibing doon. Kung malalagay du’n si Marcos, para na ring hinilera ‘yung lolo ko sa mga mamamatay-tao at magnanakaw. Napakalayo sa tunay na pagkatao ng mga tunay na bayaning nakahimlay roon.

Pangalawa, hindi bayani si Marcos.

Sinasabi nina Chiz Escudero at Jejomar Binay na dapat daw ilibing sa Libingan ng mga Bayani si Marcos dahil naging pangulo naman s’ya at isang sundalo noon. ‘Yun daw e sapat nang dahilan para payagan ni Pangulong Aquino na doon ilagak ‘yung nakapreserbang labi ni Marcos sa Ilocos Norte.

Chiz, Binay, utot n’yo.

E ano kung naging pangulo at sundalo si Marcos? Kapag ba naging pangulo at sundalo ka, bayani na agad? Alam naman ng lahat kung ano ‘yung karumaldumal na pinaggagawa ng taong ito nu’ng nabubuhay pa s’ya. Ilang tao ang pinadakip at pinapatay n’ya? Ilang milyong dolyar o bilyong piso ang ninakaw at winaldas n’ya? Ilang taon n’yang siniil ang kalayaan at karapatan ng mga Pilipino?

Kagaguhan naman kung sa dinami-rami ng krimen n’ya e ituturing pa rin natin s’yang bayani. Dalawang uri ng tao lang ‘yung nakikita kong gustong mangyari ‘to: ‘yung mga pulitikong may balak umangat sa pwesto o ‘yung mga inutil na taong umiidolo kay Marcos. May pangatlo pala: both.

Pangatlo, hindi dapat malibing si Marcos du’n dahil malalayo s’ya sa Ilocos Norte. Pa’no na lang ‘yung pamilya n’yang ayaw pa ring¬†panagutan ‘yung mga krimen nila noon? Pa’no na lang ‘yung mga hibang na Ilokanong paniwalang-paniwala sa kabutihan at kahusayan ng kanilang apo? Mga hunghang.

Pero di ko naman sinasabing lahat ng Ilokano e pro-Marcos, hano. Syempre marami namang hindi rin kampi sa diktador, pero di hamak na mas marami ‘yung mga “sumasamba” kay Marcos at sa pamilya n’ya. Mga baliw na talaga.

Du’n na lang sila sa Marcos country. ‘Wag na nilang ibaba pa rito sa Maynila ‘yung labi nu’ng diyos-diyosan nilang diktador. Mapapalayo pa s’ya sa piling nila. Baka tuluyan na silang masiraan ng bait kapag nawalay sila sa kanilang mahal na pangulo.

Susmaryosep.