E ano kung pumiyok?

by Sankage Steno

Kakatapos ko lang pakinggan ‘yung unang album ng Up Dharma Down, ‘yung Fragmented. Relaxing. Feeling ko ‘yun pa rin ang pinakamagandang album na nagawa nila. I mean, maganda lahat, pero kung ira-rank ko ‘yung tatlo, first ‘yung Fragmented, second ‘yung third and latest album nila na Capacities at third naman ‘yung second album nilang Bipolar.

Tingin ko kasi masyado silang nag-experiment sa second album at although maganda naman ‘yung karamihan, feeling ko e naging mahirap na s’yang pakinggan, lalo pa’t di naman expert ‘yung tenga ko. Mediocre lang, ganyan.

Anyway, masaya ako na medyo “bumalik” ‘yung tunog nila sa third album, but I appreciate more the fact na they continue to evolve and create music kahit pa hindi naman ganu’n kalakas ang music industry sa bansa. Oo, marami tayong magagaling na singers, pero di naman marami ‘yung magagandang kanta natin na original at modern.

Konting-konti na lang ‘yung gumagawa ng magagandang OPM na sumisikat talaga.

So na-inspire akong, nope, hindi gumawa ng kanta. Medyo na-inspire lang akong mag-explore ng bagong tunog. Alam mo kase, marami akong naka-lineup na videoke nights ngayong darating na October. Ayoko namang puntahan ang lahat ng ‘yon na ‘yun at ‘yun din ‘yung kinakanta ko.

Medyo nakakasawa rin na lagi kong kinakanta ‘yung Oo, The Yes Yes Show, Super Bass, Minsan Lang Kita Iibigin, Each Day With You, Wherever You Will Go, Pagsubok, Why, Why Don’t You and I, Love on Top, I Don’t Wanna Miss a Thing, Bohemian Rhapsody, 25 Minutes, atbp.

Hindi ko naman alam kung anong kanta ‘yung sunod kong kakantahin. Gusto ko ‘yung rock at ballads, although mahirap silang kantahin lalo na kung di pa nasasayaran ng alak ‘yung lalamunan ko. Kung pop naman, well, madaling kantahin pero mahirap kantahin nang maganda. Mahirap naman kasi i-autotune ‘yung boses gamit lang ‘yung pangkaraniwang mic. Saka hindi pang-pop ‘yung boses ko.

Yes, singer pala.

Susubukan ko ‘yung jazz kahit medyo boring sila sa videoke. Baka pagbigyan ko na rin ‘yung R&B. Ang hirap kasi nilang kantahin. Di bagay sa boses ko. Try lang. ‘Pag pangit, well, e di more practice sa banyo. Or more inuman na may kasamang videoke. Dahil Oktoberfest naman, may excuse ako para maglasing every night tulad nu’ng mas bata-bata pa ‘ko at mas malakas pa ‘yung atay ko.

Maybe I’ll try to sing All of Me o kaya ‘yung mga lumang kanta like All The Way. Pwede ring pag-aralan ko ‘yung mga kanta ng The Beatles at dagdagan ‘yung mga kinakanta kong Eraserheads. Forget about Bamboo o Rivermaya. Di ko kaya ‘yung range. May parts lang ng kanta nila na kayo ko, pero di ‘yung buo. Pero WTH, Queen nga kinakanta ko kahit pumiyok-piyok na.

Argh! Bahala na. Kung sa’n na lang lumanding ‘yung daliri ko sa songbook.