Hong Kong is no EDSA

by Sankage Steno

Kaya ‘wag tayong pakasiguro na magiging mapayapa ang katapusan ng protesta sa Hong Kong (kung matatapos man s’ya anytime soon, which I really doubt). Alam naman natin siguro ‘yung nangyari sa Beijing noong 1989, di ba? Hinde? Oh well, di kita masisisi. Me news blackout kasi noon sa China kaya sobrang limitado lang ‘yung impormasyon.

Para sa mga hindi nakakaalam, noong June 4, 1989, nagkaroon din ng ganitong malawakang protesta sa kabisera ng China, sa Beijing, particularly sa Tiananmen (Gate of Heavenly Peace sa Ingles) Square. Mga kabataan din ang nag-rally noon tulad sa ngayon. Tumagal ‘yon ng pitong linggo, pero nauwi sa madugong katapusan. Di gaya ng nangyari sa atin dito noong 1986, kabaligtaran naman doon.

Gumamit ng dahas ‘yung militar at pinagpapapatay ‘yung mga nagpoprotesta. Ibig sabihin, pinagbabaril sila, binomba at ginamitan ng tangke. Hindi ako sure sa info na ‘to dahil wala namang inilabas na balita ang China. Censored, martial law. (O, gusto mo pa ng Marcos rule? Tangina mo.) So hindi talaga malinaw kung ilan ‘yung pinatay ng Chinese military. Pwedeng hundreds, pwedeng thousands. Ewan natin.

Hindi sila nagtagumpay.

So malabo rin kung ano ‘yung ending ng protesta sa Hong Kong, at parang mas naniniwala akong hindi ibibigay ng Beijing ‘yung gusto nilang magkaroon ng eleksyon sa 2017. ‘Yun lang naman ang gusto ng mga nagpoprotesta e, ang makaboto sila. E ang problema, nangako nga ng eleksyon ‘yung Beijing, pero sila naman ‘yung mamimili ng mga kandidato. Gaguhan lang, ‘no? E di parang di mo rin pinapili ‘yung mga tao. Tugok talaga ‘tong mga tutut na ‘to.

Sa mainland China, may news blackout pa rin sa kung ano ‘yung nangyayari sa Hong Kong, so malamang maraming Tsino ang walang alam sa totoong nangyayari. Pero sa Hong Kong mismo at sa iba’t ibang panig ng mundo, alam. So kung magdesisyon man ang Beijing na gumamit ng dahas (‘Wag naman sana.) para matigil ‘yung protesta, siguradong malalaman ng buong mundo.

Kung magiging Tiananmen Square Massacre Part 2 ito, malilintikan ang China sa isasagot sa kanya ng ibang bansa, lalo na ng U.S. at E.U. Marami pa namang kaaway ngayon ang China. Never mind the Philippines. Wala naman tayong ibabatbat. Pwede lang tayong magpadala ng mensahe na naglalamang “We condemn to the highest degree the brutal massacre of civilians blah blah blah…”

Pero umaasa akong maaayos ‘tong gulo na ‘to sa mapayapang paraan. I don’t think it will end the same way EDSA People Power did, pero hindi imposible. Kulang pa kasi sila sa suporta. Kailangan mas marami pang Hong Kongers ang sumali sa laban. Most likely magkakaroon ng compromise. O baka mangako ang Beijing ng democratic election, tapos bigla nilang babaliin ‘yung pangako nila pagdating ng 2017. Ewan. Di ko talaga alam.

‘Yung mga political analyst nga hindi na rin alam kung sa’n hahantong ‘yung mga tagpong ‘to e, ako pa kaya? Ang magagawa lang natin ngayon ay makibalita at maghintay.