Almusal na lang lagi

by Sankage Steno

Almusal ang pinakapaborito kong kinakain, kaya kapag ‘yung restaurant e may all-day breakfast sa menu, asahan mong ang pipiliin ko e alin sa mga silog meals.

Just imagine na lang ‘yung saya ko sa tuwing makakapunta ako sa Something Fishy sa may Eastwood kahit galing pa ‘ko ng Makati o Mandaluyong, at kahit wala akong tulog maghapon, magdamag. Makakain lang ng mga pagkaing pang-almusal, buo na ang araw ko.

May dalawang memorable na almusal lang ako na gustong i-share. Memorable sila in terms of the ambiance at ‘yung pagkain, not because may kasama akong special someone or anyone at all. Sa ibang blog entry ko na lang ibabahagi ‘yon. For now, pagkain lang talaga ang focus ko.

‘Yung unang di ko malilimutang almusal e nu’ng pinadala ako sa Singapore para i-cove r’yung isang event ng Microsoft doon. Dahil sa hotel kami naka-stay (Shangri-La lang naman po, tekyuberimats), laging may free breakfast tuwing umaga. Well, free naman lahat dahil sagot ng Microsoft ‘yung airfare namin, pati hotel at pagkain.

E sobrang ganda ng dining area sa Shang Singapore. As in! May gubat sa gitna nu’ng kainan at may mga totoong hayop talaga. First time kong makakita ng squirrel sa tanang buhay ko. Imagine, kumakain ka ng almusal sa airconditioned room tapos konting kembot mo lang may gubat na at mga wild animals? Amazing.

At panalo ‘yung buffet breakfast nila do’n. As in lahat yata ng culture sa buong mundo, merong katumbas na breakfast food. Pero du’n lang ako naglagi sa Asian at Continental food kasi du’n ako pamilyar. Di ako masyadong nagpaka-adventurous sa pagpili dahil trabaho ‘yon. Mahirap namang masiraan ng tiyan habang nagko-cover ng event. Nonetheless, heaven ‘yung experience na ‘yon. As in talaga!

Speaking of heaven, napunta naman ako a few years ago sa Bantayan Island sa Cebu. Sobrang ganda ng lugar na ‘yon at sobrang serene. Di ko makakalimutan ‘yung huli kong kinaing breakfast doon bago bumalik sa Cebu City.

Ang kinain ko lang naman ay dangsilog (danggit, sinangag at itlog).

Pucha. Ibang level sa sarap ‘yung malutong at maalat-alat na danggit. Tapos samahan mo pa ng sunny side up egg at mainit na fried rice. My gulay! I can hear the angels sing. But wait, there’s more! Alam mo kung sa’n kami kumain mismo? Well…

Sa tabing-dagat lang naman.

As in ayun na o. Konting kembot na lang, super clear at super light bluish-green (Or is it greenish-blue?) na dagat na. Sa sobrang linis kita mo na ‘yung mga sea creatures na andun. Ang ganda-ganda ng view, sobra. Ta’s humahangin pa nang marahang-marahan lang. Perfect. Right then and there, nasabi ko talagang, “Ang sarap mabuhay.” (Or is it “This is life!”?)