Part 2

by Sankage Steno

Nagtitiklop kami ni mama ng mga palantsahing damit kanina sa kwarto, so usap-usap tungkol sa mga problema at pangarap sa buhay at sa bahay. Ganire, ganyan, kung anu-ano. Ala lang. Simpleng saya lang. Ta’s naisip ko, shet, matanda na talaga ako. Ito na mga pinag-uusapan namin ni mama. Parang kaedad ko na lang s’ya kung kausapin.

E tapos nu’ng Sabado me inatenan pa ‘kong kasal ng pinsan ko. Medyo naiyak pa ‘ko nu’ng pagbukas ng pinto ng simbahan at pumasok na s’ya. Grabe, first time kong naluha sa kasal. Pero masaya ‘yung kasal na ‘yon, in fairness. Saka masarap ‘yung pagkain at maayos ‘yung program. Maganda rin ‘yung venue. Ta’s naisip ko, shet, antanda na namin talaga.

At eto pa, me aatenan ulit akong kasal next month at isa pa sa December naman.

Idagdag mo pa d’yan na ‘yung mga pinsan ko at mga kapatid, bukod sa mga kaibigan syempre, e sabihin na lang nating nagsisimula nang bumuo ng kani-kanilang mga buhay, separately.

And then it all came back to me. Akala ko nalampasan ko na ‘yung phase na ‘to ng young adult life ko. Di pa pala. Medyo na-feel ko na namang naiiwan ako ng panahon. That I’m stuck in the moment habang ‘yung mga taong nakapalibot sa ‘kin e pumapasok sa mga bagong yugto ng kani-kanilang buhay.

Kapag naiisip ko ‘to dati, sobrang nara-rattle o nate-tense ako. Stressful. As in almost depressing ‘yung pakiramdam. Dinidibdib ko talaga. Nako, kung mababasa mo lang ‘yung ilang blog ko noon sa Multiply, malalaman mo ‘yung sinasabi ko. Ta’s nalampasan ko s’ya at some point, then naging free ako. Or so I thought. Ngayon, medyo bumabalik na naman ‘yung feeling.

Medyo lang naman. Kasi di na ‘ko gaanong nalulungkot o nag-aalala. O baka di ko pa nari-reach ‘yung peak nitong phase na ‘to.

Anyway, I think the worst part is over. This is my curse and my gift. Kailangan ko lang sigurong hanapan ng ibang “pattern” ‘yung buhay ko at ‘wag ibatay sa kung ano ‘yung ginagawa ng nakararami. O baka kailangan kong gumawa ng sariling standard. After all, it’s my life. (O baka kailangan ko lang ng love life?)

Iniisip ko, di naman ako miserable. Di lang din spectacular ‘yung nangyayari sa buhay ko. It’s just, well, okay. Mahirap lang kasing sanayin ‘yung sarili ko sa “okay” kung alam kong there is still more to life. ‘Yun lang naman. At least masaya akong nakakapagtiklop ng mga damit kasama si mama. For now, sapat na ‘yon sa ‘kin to remain grateful.