Bago ka matulog

by Sankage Steno

I like the bitterness of my coffee—cappuccino in particular. Fits me just right. <wink> Sine-serve s’ya sa ‘kin lagi na me takip. Why would you even do that? Sayang ‘yung effort ng barista sa pag-design ng froth sa ibabaw. But there’s one time na hindi tinakpan ‘yung inorder kong kape. Mahal ko na ‘yung nag-serve sa ‘kin na ‘yon. Unfortunately, ala s’ya ngayon sa coffee shop.

But that’s fine. Hindi naman s’ya ‘yung pinunta ko rito. Gusto ko lang talagang labanan ‘yung antok ko, apart from passing the time hanggat di pa humuhupa ‘yung dami ng tao sa MRT. Me binabalak kasi ako mamayang madaling-araw.

No, it’s not hanky panky, you silly you, although that wouldn’t be so bad either. Medyo kailangan ko lang kasi ulit ng konting inspirasyon. Alam mo kasi, malapit ko nang matapos ‘yung isa kong sinusulat. E kaso tinamaan ako ng lintik kong sakit. ‘Yun bang kung kelan malapit na ‘kong matapos e saka pa ‘ko tatamarin. What the hell?! So kailangan kong magpuyat nang konti.

You know this. Alam mo ‘yung nakakapag-isip ka nang malalim kapag di ka makatulog sa gabi? Gusto kong ma-achieve ‘yon tonight kaya ako nagkakape nang grande ngayon. Kailangan kong mahiga at hindi agad makatulog. Kailangan ko ‘yung sandaling ‘yon para umisip ng dapat kong isulat du’n sa sinusulat ko. Kailangan ko na s’yang matapos dahil marami pa ‘kong kwentong gustong isulat.

Gets mo? Yeah, you’re smart.

Saka masarap din naman ‘yung pakiramdam na hindi ka makatulog paminsan-minsan. Nagkakaroon ka kasi ng time para lang sa sarili mo. I mean, kahit pa me katabi ka, ‘yung mismong quiet moment na ‘yon sa loob ng madilim na kwarto e alam mong para sa ‘yo lang. No one’s hearing your thoughts but you. Nape-penetrate mo ‘yung kailaliman ng isip mo, pati na rin ng ‘yong damdamin. Naks!

Btw, I like that word… penetrate. There’s something about it that… err… anyway.

So ayun, those are my reasons. Kailangan kong makapag-isip nang malalim (even though lagi ko namang ginagawa ‘yon araw-araw, duh) at kailangan ko ng time for myself (as if being single deprives you of that thing). Pota. Tumigil ka nga!

Sorry, I’m not talking to you, dear reader. Kinakausap ko lang ‘yung isa pang boses sa utak ko. Andami kasi nila. Pero di ako baliw ha. I am in full control of myself. Alam ko pa kung ano ‘yung realidad sa imahinasyon. Minsan lang talaga e sumosobra ‘yung pang-eepal nu’ng ibang ako na nasa loob ko. Naiintindihan mo naman ‘yung kalagayan ko, di ba? It’s pretty normal.

Okay, my turn. No, d’yan ka lang. No, ikaw ang “d’yan ka lang.” My gulay. Narating ko na yata ‘yung tramadol level ko sa kapeng ‘to. Da’t kasi di ako nagpuyat kagabi. Matulog daw ba ng 3am at gumising ng 7? Ano ako, 21? Muka lang.

Good night. Hayaan mo ‘kong mag-isip mag-isa. Pudekcufmi.