Maginhawa

by Sankage Steno

Nagsulat ako kagabi ng mga gustong gawin sa buhay ko ngayon na mismo. Ala lang, for more inspiration sa buhay. Mahirap kasi ‘pag wala kang pangarap masyado. Boring. Syempre di ko sasabihin kung ano ‘yung mga ‘yon sa ‘yo. Hindi kasi safe sabihin publicly ‘yung iba. Pero magshe-share ako ng isa, ‘yung pinaka-safe at pinaka-wholesome, I guess.

Isa sa mga gusto kong gawin e kumain nang walang tigil mula umaga hanggang umaga kinabukasan. As in gluttony talaga. ‘Yun lang ang gagawin ko sa buong araw at wala nang iba pa. Exemption lang ‘yung umihi o tumae o both.

E sakto, me food festival bukas sa Maginhawa St. sa Quezon City. Pucha, eto na katuparan ng pangarap ko. I’m sure di magiging maginhawa pakiramdam ko pag-uwi from there. Mukang dadaigin nito ‘yung makasirang tiyan na experiences ko sa Spiral, sa Circle, sa Vikings, sa Something Fishy, etc. Feeling ko makakagawa ako ng bagong record bukas. E pa’no ba naman? 2.2km lang naman ng pagkain ‘yung pupuntahan ko bukas. Shet lang. Tinalo lahat ng buffet restaurant na napuntahan ko.

Ang kinakatakot ko lang, baka mamatay ako sa sobrang dami ng kakainin ko. Ang kagandahan naman no’n, mamamatay akong busog.

Me konti pang problema. Since first food festival ‘yon at mahigit dalawang kilometro lang naman ‘yung lalantakan ko, di ko sure kung magkano dapat ‘yung dalhin kong pera. Sapat na ba ‘yung P1,000? Marami na kaya akong makakakain no’n? Kasya na ba ‘yon all day at all night long? Parang hindi e, although secretly umaasa ako sa mga kaibigan kong manlilibre ng pagkain. Marami-rami naman sila, so I’m pretty confident kahit isa e me magbibigay.

Grabe, exciting ‘to. Last year pa yata ‘yung huling kain ko sa Maginhawa. Unless iko-consider ko ‘yung inom ko du’n nu’ng Mahal na Araw this year. Inom naman kasi ‘yon, hindi lafang. Saka pulutan lang ‘yung tinira naming pagkain. The rest puro Red Horse na. Shet, overflowing beer. Meron kaya nu’n bukas? Malamang. Oh gosh, I don’t know what to expect pa more. Baka di ko kayanin.

Yes, ang arte?

Basta, isa lang ‘yung dapat kong siguruhin bago pumunta sa Maginhawa bukas. Dapat pumunta ako roon na WALANG LAMAN ANG TIYAN.