Paano

by Sankage Steno

Gabi ‘yon dapat para mas mahirap humingi ng tulong. But if it’s just a cry for help, maarte ka kasi, then do it in the morning, ta’s ‘wag mong isara ‘yung pinto. I mean, ‘wag mong i-lock. Bakit? Para hindi mahirapan ‘yung sasaklolo sa ‘yo at magdadala sa ospital. Pero kung seryoso ka, mag-lock ka sa gabi.

Disclaimer: ‘Wag mo ‘kong susundin. Di kita inuudyukan. Gago lang talaga ako.

Kung may diyos ka pa, tawagin mo na. Humingi ka ng tawad sa mga kasalanan mo at sa mga mabubuting ginawa mo sana pero di mo ginawa. Kung wala kang diyos, sigurado ka ba sa gagawin mo? How come? Oh well, you don’t owe me an explanation anyway.

Takot ka ba sa dugo? Damn it. Why am I even asking?

Sige, kunin mo na ‘yung patalim. Punyal. Razor? Pwede. Hindi ‘to sandugo kaya ‘wag mong padaanin ‘yung hiwa sa ligtas na bahagi ng braso mo. Ibaba mo pa nang konti, du’n sa pinupulsuhang lugar. Alam mo ba ‘yon? Kung hindi, lawakan mo na lang ‘yung sakop ng hiwa. Pwede kang manood habang ginagawa mo ‘to. Pwede rin namang pakiramdaman mo na lang.

‘Yung unang aagos na dugo ang magsasabi kung itutuloy mo pa o hindi. Kung patuloy s’yang aagos at di mo aampatan, simula na ng katapusan. Wala akong alam sa pakiramdam na ‘yon, pero siguro mararamdaman mong unti-unti kang nilalayasan ng buhay. Siguro makakaramdam ka ng pagkahilo, o baka pakiramdam mo e bigla na lang gagaan ‘yung ulo mo. May hapdi, syempre, pero titiisin mo.

Siguro kasabay ng pag-agos ng dugo e aagos din sa ‘yong isip ‘yung lahat ng masasakit na alaala. Siguro lalo lang ‘yong magbibigay sa ‘yo ng kasiguraduhan sa desisyon mong ‘yan. Sa mga masasayang alaala, kung meron ka mang maaalala, baka sakit lang din ‘yung ibigay sa ‘yo. Ganu’n katraydor ‘yung alaala natin e. Kung ano ‘yung masaya, s’ya pa ‘yung masakit sa huli.

And the end is near.

Magdidilim na ‘yung paligid, pero bukas ang ilaw sa kwarto mo (o sa banyo). Mapapapikit ka. Bago matapos ang lahat, makakatulog ka. Ni hindi mo malalamang namatay ka na. Wala na e. Tapos na. Huli na ang lahat. Ang mas masaklap pa sa pagtatapos ng isang buhay e ‘yung malaman mong wala palang kabilang buhay.

Pero di mo nga rin pala malalaman ‘yon. Patay ka na e.