Octoberian

by Sankage Steno

Isa lang ‘yung ibig sabihin kapag ngayong October ang birthday mo, particularly ngayong week na ‘to—ginawa ka ng mga magulang mo nu’ng Bagong Taon. Nakipagsabayan sila ng putukan.

Alam na!

Pero kung October in general, pasok ka pa rin naman sa holiday mating season. Either ginawa ka nu’ng Pasko o nu’ng mga araw na masasaya ‘yung mga magulang mo, wala silang pasok pareho sa trabaho at maraming time para gumawa ng milagro. Can you imagine that? Isa kang milagro. Let’s give your parents a round of applause.

Now imagine na nagniniig o nagtatalik o nagkakantutan ‘yung mga magulang mo. Kadiri ba? Good. Na-arouse ka ba? Umm, not so good by this world’s conventions. Baka may Oedipus complex ka. Alam mo naman sa sarili mo kung niloloko mo lang ‘yung sarili mo o hinde. So there.

Now before you stone me to death or you pray for my soul to burn in hell for eternity, pag-usapan muna natin ‘yung incest. Marami kasi sa ‘tin ang nade-develop ‘yung natural na pandidiri sa pakikipag-sex sa kadugo natin, pero history will tell us, even the Bible, na maraming beses na nagkantutan ‘yung mga magkakadugo. I mean, kung totoong sina Eba at Adan ang unang mga tao sa mundo, pa’no sa tingin mo tayo dumami?

Either binuntis ni Adan ‘yung mga anak n’yang babae o nagsipagniig ‘yung mga anak n’ya sa isa’t isa, kapatid sa kapatid. That’s the only logical way para dumami tayo.

Okay now you can kill me.

Habang pinapatay mo ‘ko sa utak mo ngayon, isipin mo namang nakikipagtalik ka sa matagal mo nang pinagnanasahang kamag-anak o kapamilya. I’m sure meron ka kahit isa, kahit ‘yung malayong pinsan. Kung wala, okay, fine. Safe ka sa awkwardness nitong pinagsususulat ko rito. Btw, you can stop. This is not required reading.

Ngayon pag-isipan naman natin ‘to kung ayaw mo pa ring tumigil sa pagbabasa: Kung naniniwala tayong love is fluid, blind, like a rosary full of mysteries, etc., etc., it follows na ang pag-ibig ay maaaring mangyari sa pagitan ng kahit na sinong tao. I mean kahit na sino talaga. Wala s’yang pakialam sa edad, sa gender, sa blood relations o sa kung anik-anik pa.

Going even further, kung mangyayaring magkakaroon ng artificial intelligence in the future na halos tao na talaga kung mag-isip at gumalaw, hindi rin malayong ma-in love ‘yung totoong tao sa android na ‘yon. Of course that’s a possibility. Ang tanong, masisikmura ba natin? Sa umpisa, hinde. Pero sa kalaunan, di rin malayong maging legal s’ya, kundi man katanggap-tanggap sa lipunan.

I’m not saying it’s going to happen. I’m saying it’s a possibility. Alam mo naman tayong mga human beings, sobrang vulnerable. At alam mo naman ang love, sobrang unpredictable. ‘Pag pinagsama mo ‘yung dalawa, it’s a recipe for disaster… or something true and beautiful—never mind good.