Ngayon alam ko na

by Sankage Steno

Hindi ko pala kaya. Pero, at least, sinubukan ko. So ngayon sure na sure na ‘kong di ko nga kaya.

Alam mo ba ginawa ko nu’ng mga panahong di ako nagsusulat dito? Una, nagpahinga ng utak. Masakit din sa ulo na nagsusulat ka na sa trabaho, tapos ang hobby mo pa e pagsusulat din. Potarages. Pangalawa, medyo mahirap sabihin, pero sasabihin ko pa rin: Lumandi.

Ganun pala pakiramdam, ‘no? First time kong nanligaw nang todo. Syempre I’m using my own standards and definition ng ‘panliligaw’. Now I know it’s not just a walk in the park. ‘Wag mo namang husgahan ako agad. Di ko ‘to nagawa nu’ng high school dahil napakadami ko pang issue noon sa katawan. Ngayon nabawasan na. Kontrolado ko na.

Ayoko namang isuka rito sa online world lahat ng katangahan at kahihiyang pinaggagawa ko, pero ikukwento ko pa rin dahil hilig ko ‘yon. (Damn it. I knew magkaka-relapse ako sa pagba-blog. Iba talaga ‘pag mahal mo, ‘no? Sunud-sunuran ka.) Speaking of mahal, well, it’s not that deep yet, pero papunta na du’n sana ‘yung ginawa ko nitong November-December.

May pinormahan akong someone sa isang kapihan sa Makati na lagi kong pinupuntahan after work para tambayan. Du’n kasi ako mas nakakapagsulat. Impak, du’n ko sinulat ang most part ng huli kong novel. Pero lately, puro tula ‘yung sinusulat ko. Sinusulat ko sa tissue paper ng coffee shop na ‘yon at sadyang iniiwan, hoping na mababasa nu’ng pinopormahan ko.

Well, just like in the movies, tumalab ‘yung pakana ko. Kinolekta nga nila ‘yung mga tula ko, at ‘yung mismong taong pinopormahan ko pa ang unang nagsabi sa ‘king tinatago nila ‘yung mga tula ko sa tissue paper. Take note, “unang nagsabi.” May sumunod kasing nagsabi sa ‘kin, pero nagkunwa-kunwarian na lang akong di ko pa alam. Just to be polite. Funny. At masakit, to be honest.

Di ko na pahahabain. Di na rin naman ako sigurado kung kinolekta pa nila ‘yung mga huli kong tula. Basta ang lagay ngayon, pagod na ‘ko. Pagod na ‘yung katawan ko at ‘yung bulsa ko. Saka di naman talaga ako nagkakape. Pero para sa kanya, nagkape ako araw-araw. Tinde. Pero mas nakakapagod ‘yung di naman nasusuklian ‘yung hirap at effort mo. Expected ko na naman ‘yon, pero iba pa rin ‘yung actual thing. Sabi ko sa isa kong kaibigan after kong magpagod sa kakaporma, “I’m proud of myself sa mga ginawa ko pero I’m not happy.”

So have I given up? Yes and no.

No, kasi isang buwan pa lang naman ‘yon. Di ko muna tutuldukan ang lahat.

Yes, kasi may nakilala na ‘kong bago. Baka s’ya na talaga ‘yung The One. The One talaga? Pota.

Ang gulo ko lang… parang bulbol na hindi shinave.

So pagsasabayin ko ba sila? Hindi rin. Pahinga muna ako sa coffee shop crush ko at ipu-push ko ‘tong bago. Matalino at may hitsura s’ya. Most of all, kinakausap n’ya ‘ko. Hindi ko na kailangan pang kuntsabahin ‘yung ibang tao para lang makausap o makaharap s’ya. S’ya na lang ‘yung susulatan ko ng tula. (I’m so old-fashioned. Kulang na lang magsibak ako ng kahoy at mag-igib ng tubig.)

So that’s what happened to me nu’ng nawala ako rito sa blog ko. ‘Yan lang ‘yung ikukwento ko. Ayoko nang idagdag pa ‘yung ibang aspeto ng buhay ko. Love life lang naman ang mabenta sa maraming Pinoy. Because we’re so melodramatic like that. Saka aanhin n’yo naman ‘yung iba kong problema at adventure sa buhay? Sa akin na lang ‘yon.

Ikaw, anong adventure story mo lately? Corny na kung corny, pero life’s short. Papa ko nga di na umabot ng 40 e.

Bo

Advertisements