Habang akin ang gabi

by Sankage Steno

Hulaan mo kung nasa’n ako ngayon.

Siret?

Nasa paborito kong kapihan dito sa Makati.

Yihee. Lam mo na, nagbabaka-sakaling makikita ko ulit ‘yung pinopormahan ko. Unfortunately, ala s’ya ngayon dito. Pang-umaga ang mokong. Well, expected ko na rin namang hindi s’ya graveyard shift ngayon, kasi last week ‘yun ang sched n’ya.

Buti na lang nakaibigan ko na ‘yung ilang barista rito. Kahit ako lang ‘yung customer nila sa mga oras na ‘to (2:07AM sa orasan ng PC ko), di naman ako bored. Saka sanay naman akong mag-isa. I can entertain myself. Ikaw ba naman ang mabuhay nang solo buong buhay mo, di ka pa masanay?

Ouch. Ang emo bigla.

Pagbigyan. Given naman na sa ganitong oras, marami ang emo. Try mong magbukas ng radyo, for sure ‘yung mapapakinggan mo e puro programa tungkol sa pag-ibig. Kung di naman ‘yon, sigurado akong ‘yung pinapatugtog nilang playlist e puro kanta para sa mga wasak. Wasak ang puso.

Maniwala ka. Nakikinig ako n’yan minsan.

Except ngayon. Ayokong makinig sa radyo ngayon dahil nalilibang naman ako sa katahimikan ng Makati. Ganito pala rito kapag madaling-araw, parang ghost town. Maraming ilaw, oo, pero walang tao kahit city pa s’ya. Ala ring mga sasakyan. Me mangilan-ngilang taxi lang o kotse. Gusto ko s’ya. Semi-dystopic pero utopic ang feel.

Saka ang cool din tumambay rito sa coffee shop na ako lang ang customer. Pakiramdam ko ako ‘yung may-ari ng lugar. Wala pa ‘kong kaagaw sa Wi-Fi. Solo ko ‘yung bandwidth (Tama ba ‘yung jargon na ginamit ko?).

At in fairness, di naman ako masyadong nalulumbay kahit ala rito ‘yung pinopormahan ko. Yeah, sure, nami-miss ko s’ya, pero right now I feel light and easy. Di katulad nu’ng nagdaang holidays na talagang napaparalisa ako sa bahay kakaisip sa kanya. Grabe lang talaga akong mag-fall. Halatang virgin.

Virgin?

Tangina. Kakahiya. Kung anu-ano na naman lumalabas sa utak ko. Mentras wala akong tulog, lalong tumitindi ‘yung pagkabaliw ko. E pa’no pa kaya kung naka-drugs ako? Baka ganito ginagawa ko ngayon: Nakikipag-jerjer sa isang stranger habang umiinom ng kape at nagsusulat dito sa blog ko sa gitna ng paborito kong kapihan.

Or! Baka nag-call boy na ‘ko d’yan sa madidilim na sulok ng CBD at nang-aakit ng customer. Siguro naman makakakuha ako ng isa kahit pangkape lang. Pero syempre di naman ganu’n kababa ‘yung isisingil ko. Mataas kaya cost of living dito sa lungsod. Saka kung makaka-jackpot ako, baka mabawi ko na ‘yung gagastusin ko para sa trip ko sa dream destination ko sa Pilipinas.

E ang kaso di naman ako naka-drugs ngayon. Kape lang ‘tong tinira ko, so malamang hindi ako magkakalakas ng loob na gawin ‘yung mga “masasamang” bagay na naiisip ko. Hanggang sa imahinasyon ko lang s’ya pwedeng isakatuparan.

Pero ‘yung pakikipaglaban ko du’n para sa pinopormahan ko rito sa coffee shop, hindi ako papayag na hanggang imahinasyon ko lang s’ya. Hindi ako titigil hanggat di ako nagpapakatanga nang lubusan. Sobrang sayang ang buhay kung di ako magpapakatanga. Saka wala namang bumibilang kung ilang beses tayong nagpapakatanga.

Tama ba ‘ko, Tere?

Jpeg