Alon

by Sankage Steno

Buti sana kung balik sa normal lang ang lagay kapag bumalik na ‘ko du’n. E ang siste, babalik ako sa normal na nakakabanas. ‘Yung ibang normal kasi ng ibang tao, ganire: Uuwi sila sa kanilang asawa, kakain sila nang sabay, magtatalik sa gabi at matutulog. Kung mamamatay man sila, mamamatay silang buo.

Hindi naman yata ganu’n ‘yung normal ko. Babalik ako sa same old, same old. Sa tiis-tiis at pwede na ‘yan. Forgive me for not going into the specifics. Ayoko lang talagang bigyan ng proper noun ‘yung mga di karapatdapat ma-recognize na mga entities dito sa sikat kong blog.

Sikat talaga? Binuhat ko na ‘yung sarili kong bangko. Thankyouverymuch.

Payagan n’yo na ‘kong maging matalinhaga sa sulat ko ngayon. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay ganito ako. Kung tagasubabay ka ng blog ko, alam mo naman siguro na madalas e walang preno ‘yung mga sinasabi ko rito. Masagasaan na ‘yung dapat masagasaan. Pasensyahan na lang.

Paglipad ko bukas, iiwan ko na naman ‘yung mga bagay na gusto ko sa buhay. Call it sepanx for all I care. Ang punto ko lang, wala talagang nagtatagal sa mundo. Kahit siguro ‘yung pagkabanas ko du’n sa mga babalikan ko, hindi rin permanente. Ang pansin ko lang, kung pareho mang di permanente ‘yung mga gusto at mga di ko gusto sa buhay, mas pangmatagalan naman ‘yung pangalawa.

Di ba? Kung titimbangin natin lahat ng gusto at lahat ng ayaw natin sa buhay, dadaigin talaga ng mga negative ‘yung mga positive. E kaso lang, tayo kasing mga tao, I believe, basta makaranas lang ng maganda, pakiramdam natin sulit na lahat ng paghihirap at pagpapakasakit.

Parang ganito: Buong buhay mo ikaw nagtrabaho at nagpakaalila sa pera para magkaroon ka ng maayos na buhay o ng maginhawang retirement. Ilang taon ‘yung ginugol mo para makamit ‘yon? Answer: Buong buhay mo. And then for what? Para lang “sumaya” ka sa mga nalalabi mong oras sa mundo?

Provided ‘yan na magiging maginhawa nga ‘yung buhay mo sa huli ha. Or magkakaroon ka ng malaking retirement fund at benefits.

I don’t think I’ll have that privilege.

Sa bagay, mas matamis nga naman ‘yung tagumpay kung paghihirapan mo. Pero nakakainis pa ring isipin na others can have it easy all their lives and still live happily. Merong ganu’n, maniwala ka. Oo, may problema sila, pero pfft! Anong sinabi no’n sa problema ng iba d’yan?

Before I get too far, gusto ko lang namang i-point out ‘yung dalawang klase ng routinized life: ‘yung nae-enjoy mo at ‘yung hindi.

Tingin ko naka-tip ‘yung buhay ko papunta du’n sa “hindi enjoy” (although nag-enjoy talaga ako ngayon sa ginawa ko rito. Labo.). The only way I see myself out of this is just like what my friend thinks of doing right now (syempre di ko sasabihin kung sino ‘yung friend na ‘yon). At ano naman ‘yon?

Mag-quit.

Hindi sa buhay, gago. Mahal ko nga ‘yung buhay ko kaya madalas akong magbulay-bulay nang ganito e. Bulay-bulay? Tama ba ‘yung gamit ko sa salitang ‘yon? I hope naintidihan mo ‘yung gusto kong sabihin through context clues.

Kaso lang, ilang beses na ‘kong nag-quit at ala rin namang nabago. Naiba lang ‘yung setting at ‘yung characters, pero same old, same old pa din. So there’s a big fucking chance na if I quit again this time, I’ll end up with ganu’n pa rin. Or, baka du’n pa ‘ko sa worse mauwi. Kahit isipin ko pang may chance din na mapunta ako du’n sa routine na gusto ko, what are the odds? Sugal talaga.

Malas pa naman ako sa sugal. Sa game show, maswerte.

Siguro kaya ko naiisip ‘tong mga nonsense na ‘to ngayon e dahil nasa likod ko ‘yung dagat. O baka naman dahil takot ako sa dagat. ‘Yung takot na may respeto. Takot ako sa kanya dahil nirerespeto ko s’ya. Parang ‘yung takot natin sa tatay natin. Gets? ‘Yung dagat kasi, pareho n’yang binibigay sa ‘kin ‘yung damdaming ‘to: awe and fear. Ibang klaseng combination.

Respect.

At naiisip ko ‘to ngayon dahil ‘yung buhay ko, is pretty much like ‘yung naririnig ko ngayon sa likod ko. ‘Yung alon ng dagat. Paulit-ulit. Walang tigil. For millions of years, ganu’n lang s’ya; forming landscapes, shaping the earth, claiming the land. Parang ‘yung routine nga ng buhay.

Pero sa ngayon, ‘yung daluyong ng buhay ko, ‘yung nakakainis. Di ako makapag-swimming nang matino. Nasisira lagi ‘yung binubuo kong sand castle. Pinapasukan lagi ng buhangin ‘yung brief ko. Nabubura ‘yung mga footprints ko in the sand.

Kelan ko kaya matututunang sumakay at makipaglaro sa alon?

Jpeg