Ma-try nga

by Sankage Steno

Napuntahan ko na ‘yung dream destination ko sa bansa, at di naman ako na-disappoint. Now it’s time to make new dreams. Saya. Blank slate ulit. I’m thinking of doing one of two things na “masama.”

Magpa-tattoo or magdroga.

Hindi naman illegal drugs (evil laugh), ‘yung regulated lang na nakaka-high pa rin. Tramadol, for example. Pero mahina ‘yon. Or MJ. Kaso bawal pa rin ‘yun sa Pilipinas. Siguro susubukan ko na lang s’ya sa mga bansa kung sa’n legal na ‘yung damong ‘yon. Cuba? Jamaica? U.S.? Maybe.

What if mag-review na lang ako ng Chemistry lessons ko at gumawa ng sariling concoction a la Breaking Bad? Pwede. Problema ko lng kung sa’n makakakuha ng supply. Madali na siguro ‘yon kung gugustuhin ko. Makagawa kaya ng “bagong” drug. ‘Yung hindi pa classified ng BFAD. Yes, talino ko pala e.

Most likely naman sa imagination ko lang magagawa ‘tong droga thing. Mas posible ko syempreng maisakatuparan ‘yung papatato sa katawan. Pero gaya nga ng nasabi ko na noon sa dati kong entry rito, magpapatato lang ako kapag may malalim na dahilan. It must be a symbol of something, parang ‘yung mga mandirigma lang natin noong unang panahon.

At, di ba nga, ang pangarap kong makapagtato sa akin e si Whang-od (Fang od) na taga-Kalinga. Hindi ko lang alam kung kelan ko magagawa ‘yon. Dapat siguro e may mangyaring malaki na sa buhay ko para magkaroon ako ng dahilan para umakyat sa teritoryo nila at magpabatok.

Trivia: Mambabatok ang tawag sa tattoo artist nila.

Medyo nakakatakot lang kasi mano-mano ‘yung style n’ya ng pagtatato. Expected nang sobrang sakit n’ya. May mga kaibigan at kakilala na ‘kong dumaan sa mga kamay n’ya, at lahat sila nagsabing sobrang sakit. Ang hina pa naman ng tolerance ko sa physical pain. Kung emotional pain, kaya ko pa kahit taon ang tiisin ko.

Pero physical? Susmaryosep.

Ibang klase rin kasi akong mag-trip. Dati pinapangarap ko lang makapagyosi. Nagawa ko na. Sisiw lang. Naiinggit kasi ako sa mga naninigarilyo at sa bonding nila kapag nagyoyosi. Kahit stranger nakakausap nila. Ngayon, naiinggit naman ako sa mga may tattoo. Para kasing ang lakas ng loob nila. At the same time, gusto kong malaman ‘yung mga kwento sa likod ng mga tato at pagpapatato nila.

You know naman me, mahilig sa kwento, lalo na kung maganda at bago.