Lugi

by Sankage Steno

Kapag nakatayo ka sa ibabaw ng burol, tanaw mo ‘yung malawak na karagatan, ‘yung papalubog na araw at sinasabayan pa ng malakas na ihip ng malamig na hangin, ang sarap-sarap magyosi. ‘Wag mong i-try. Nakakaadik.

It’s official: Adik na ‘ko.

Ganire lang ‘yan e: Parang ‘yung may hawak kang beer habang pumapalaot sa dagat. Nakasakay ka sa isang maliit na bangka, umaalon, tanaw mo ‘yung magagarang limestone formation o isla sa paligid, ta’s iinom ka du’n sa hawak mo. Langit sa lupa. O sa tubig. Ang kaso lang, lalong nakakahilo lalo na kung di ka sanay sa dagat.

Ang problema lang din kapag nagyoyosi ka sa burol at malakas ang hangin, madaling maubos ‘yung sigarilyo mo. Medyo lugi. May time pa na namamatayan ka ng sindi dahil sa lakas ng hangin. Pero worth it naman kasi ang ganda ng tama sa utak. Simpleng tama lang. Sakto.

Pero lugi.

So fucking what? There’s a tradeoff for everything. Sabi nga ng prof ko sa macroeconomics nu’ng college, “there’s no such thing as free lunch.” Or maybe not. Basta you get the drift, right?

Wrong? Bullshit.

Nakakita ka na ba ng seabed of clouds? Ayos lang kahit sa eroplano. Pero mas ayos kung sa tuktok ng bundok at papasikat pa lang ‘yung araw. Masarap din ‘pag may hawak kang yosi at serbesa. Mas masarap kung may ka-cuddle kang lovey-dovey mo. One of the best things in life. And it’s libre… if you got the guts to do it.

Marami pang bagay ‘yung enjoy gawin sa buhay, but it comes at a price kahit pa sabihing “libre” mo s’yang nakamit. ‘Pag kasi sinabi mong free, pera agad. Pwede namang sa ibang bagay bawiin ‘yon.

But the thing is, sulit s’ya kahit lugi. Ang gulo ko. Parang bulbol lang. Unless, of course, kapag nagpa-brazilian wax ka. That’s a totally different thing. Ibang usapan na ‘yon.

Naiintindihan mo ba ‘yung sinasabi ko? Magulo s’ya, I know. Pero ganu’n talaga ang takbo ng utak ko ngayon. Buti nga nailalapat ko pa sa salita ‘to e. Isipin mo na lang kung sobrang high ko pa, ‘yung tipong humingi ako ng tulong sa mga epektos at paraphernalia ng diablo.

Yosi pa.

Babae, gusto mo? Lalake? Bahala ka sa buhay mo. Bahala rin ako sa buhay ko. “Haynako, ang buhay.” Overheard. Galing sa isang babaeng nasa gilid ko. Nope, wala naman kami sa burol o sa dagat. Nasa kapatagan kami. Mas magulo. Mas maraming epal. Mas marami rin ang yosi at alak. Tagay pa.

Sarap.

Sabayan mo naman ako. Kailangan ko ng kausap. May niyayaya ako, kaso di naman laging libre sila. May kanya-kanyang pinaglalaban sa buhay. Buhay na naman. Alang matinong patutunguhan ‘tong mga pinagsasasabi ko. Buti na lang at tama pa rin ‘yung mga pagbaybay ko sa mga titik dito. Not bad.

Kung sasamahan mo ‘ko, sasagutin ko na ‘yung kwento. Kung ayaw mo, I can lend an ear. Sa akin ‘yung kapares. Gusto mo ng yosi? Meron ako. Kape? Pwede rin. Or bili na lang tayo ng beer para kumpleto na ‘yung rekado. Rekado for what? For some small time fun. Yeah right.

Baka umakyat ulit ako ng bundok/burol soon. Sana may kasama para di naman ganu’n kalugi. May kahati ako sa kalugihan. May kahati rin ako sa sarap. Actually, kung sarap ‘yung pag-uusapan, di s’ya nahahati. Lalo lang dadami. Maniwala ka.