Kapwa ko mahal ko

by Sankage Steno

‘To na nga ba sinasabi ko e. Teka, ano nga ba ‘yung sinabi ko? Bahog. Di ko maalala. Basta me sinabi ako. Tungkol sa mga bakla. Nabalitaan ko kasi kahapon ‘yung ginawa ng grupong ISIS sa dalawang lalaking pinaghihinalaang bakla du’n sa Iraq. Alam mo ginawa? Hinagis lang naman nila mula sa mataas na building. Boom, patay!

Kawawang mga bakla. Ni di pa nga sure kung bakla talaga ‘yung dalawa e. Baka nagkadikitan lang ng labi. Di naman sinasadya. Uy, nangyayari ‘yun a. Me dalawa akong kaklase dati nu’ng high school, parehong straight. E nagkakasiyahan kami. Ang nangyare, dahil nagkakarakyaan, pagtalikod nila pareho, nagsalpukan ‘yung mga labi nila. Sapul! First kiss. Ayiiieee.

Straight pa rin naman sila pareho. Di naman naging bakla ‘yung kahit isa sa kanila. Natural! Di naman kaya ganu’n nakukuha ang pagkabakla. Jusko. Di naman s’ya sakit para makahawa. Kung bakla ka, bakla ka. Kung hinde, hinde. Tapos ang usapan.

So ‘yun nga, baka nu’ng nahuli ng isang kasapi ng ISIS ‘yung dalawang lalaking ‘yun e baka nga nagkataong nagkasalpukan lang sila ng labi. Ta’s dahil lang do’n, hinagis na sa building? Potarages. Ganu’n pala kalakaran sa mga nasasakupan ng grupong ‘yon, hano? Buti na lang at di ako doon napunta. Di ako tatagal sa ganu’n. Either mamamatay agad ako o ako ‘yung makakapatay. Alin sa dalawa. Feeling ko ‘yung pangalawa.

Syempre pagtatanggol ko ‘yung buhay ko no matter what. E kung marami sila at may mga armas pa, sisiguraduhin kong me mapapatay man lang ako kahit isa bago nila ako makitil. Damay-damay na ‘to. Woooh!

Ang balita ko pa, di lang mga bakla ang pinapatay nitong ISIS. Pati raw mga babaeng edukado o progresibo. Tanggalin na natin ‘yung mga labels. Basta ‘pag babae ka, second class citizen ka lang. Di ka pwedeng umangat sa buhay. ‘Yun ang paniniwala ng mga taong ire. Pota. Sa’n ba nila nakukuha ‘yung mga paniniwalang ‘to? Sa Koran? Sa diyos? Sa propeta nila? Sinong diyos naman ang gugustuhing patayin ‘yung mga nilikha n’ya?

Sorry, rhetorical question.

Nakakairitang isipin na ang immature pa rin ng mundo. I mean, ng mga tao. Ng mankind. Ewan. I’m speaking for myself only. Malamang, blog ko ‘to e. Pero isipin mo: Ilang libong taon na tayong nabubuhay as a species, pero ‘yung paniniwala natin, very primitive pa rin for some. Di ko naman sinasabing lahat ng primitive na paniniwala e masama, pero ‘yung idea ng equality, ba’t ang hirap matutunan ng nakararami?

Nature ba ng taong mas umangat kesa sa iba? Kung magiging superior ba ang isang tao over sa kanyang kapwa, makakamit ba n’ya ‘yung happiness? E happiness nga ba hanap natin? Ano, power? Fame? Ano ba talaga, ateng? Khoya?

Gago.

Nakakapanghinayang kasi ‘yung buhay. Imagine, papatayin ka dahil sa bakla ka? O dahil sa babae ka? Langya. Andami-daming mas mabigat na dahilan para pumatay, ta’s ‘tong ISIS, dahil lang sa kasarian? E kung patayin ko kaya sila dahil lalaki sila? Di ba nila alam na halos lahat ng digmaan sa mundo e pinasimulan at/o pinamunuan at/o nilabanan ng mga lalaki? Mga hunghang.

Pero di naman ako galit sa mga lalaki. Gusto ko nga sila e. I mean, gusto ko lahat ng tao kasi tao rin ako. I mean, gusto ko rin naman ‘yung halaman kahit di ako halaman. Labo. Bago pa ‘ko tuluyang malunod sa kagaguhan, gusto ko lang ipaintindi na hindi magandang pumatay ng kapwa. Ng tao. Mahirap bang intindihin ‘yon? Tao ka rin naman a?

Pinagsasabihan ko ‘yung mga miyembro ng ISIS.

Yeah, yeah, I know. Di nila naiintindihan ‘to. Di ko rin naman naiintindihan ‘yung wika nila. Pero kung me ibang taong nakakaintindi sa wika ko at may tendency ring pumatay dahil sa kanilang paniniwala o ideolohiya, at nababasa n’ya ‘to, sana makanti ko ‘yung isip n’ya. Swerte kung mapipigilan ko s’ya sa masamang balak n’ya sa hinaharap. Pero sa ngayon, ok na ‘ko sa pagkanti lang sa kanyang isip.

Ay, ayun, naalala ko na ‘yung sinabi ko noon. Ang taong nagigipit, sa bakla kumakapit. (Walang sense)

The images appear to show the men being pushed off, as a large crowd controlled by militants watches on from below