Ang intindi ko sa MILF official statement

by Sankage Steno

Napakahirap kumalma sa ginawa ng MILF du’n sa mga pulis natin. Sa totoo lang talaga. So sinasabi ko na ngayon pa lang na I will be biased sa mga isusulat ko rito. Pero kahit magiging biased ako, hangad ko pa rin syempreng matuloy ‘yung Bangsamoro Basic Law at magkaroon talaga ng “kapayapaan” sa Mindanao. Labo ‘no? Di ko lang alam kung pa’no pa nila magagawa ‘yun ngayon. Andami kasing galit. Isa na ‘ko do’n.

Sasabihin ko lang ‘yung pagkakaintindi ko du’n sa official statement ng MILF hinggil sa karumaldumal na pangyayari sa Maguindanao nu’ng January 25. Again, inuulit ko, nag-uumapaw pa sa galit at pagkalito ‘yung isip ko kaya ‘yung mababasa mo rito e for sure na hindi pabor sa MILF. Ito ‘yung pananaw ng isang taong naguguluhan sa pangyayari at may sama ng loob sa kanila, okey?

(E ba’t mo pa isusulat? Tanga ka ba, Sankage? Oo.)

1. First and foremost, we express and send our deepest sympathies to the families and friends of those who died in the armed encounter in Mamasapano, Maguindanao. The emotions of loss and pain are not alien to us Bangsamoro and Mujahideen. Nevertheless, respect and solidarity are due to all, irrespective of which side they belong.

Ang intindi ko: Nakikiramay kami sa inyo, pero dahil inapi rin naman kami at marami sa aming mga kasamahan ang napatay noon, quits lang. Now, it’s your turn na magdalamhati.

2. Our concern is the truth. There will be a lot of speculations as to what happened and until what happened is established with credibility and integrity, the said incident will weigh down our current efforts to bring peace to our homeland.

Ang intindi ko: Alam namin ‘yung totoo. Kami ‘yung tama, pero ang mananaig pa rin e ‘yung iniisip ninyo, kaya for sure na mababalewala lahat ng pinaghirapan namin para makuha ‘yung kapayapaan sa teritoryo namin dito.

3. In order to give meaning to their deaths, we must resolve not to let something like this happen again. To this end, the MILF is convening a Special Investigative Commission (SIC) to be composed of members of the MILF Central Committee and BIAF General Staff  who are tasked to investigate the events at Mamasapano, Maguindanao that resulted in the deaths of members of the MILF and of soldiers of the Philippine Government. The mandate of the SIC is to gather as much reliable information and interview witnesses to establish the truth. The SIC is given instruction to come up with a report to the Central Committee as soon as possible.

Ang intindi ko: Para naman di kayo masyadong mabanas sa ‘min, bumuo kami ng lupon na magsasabi ng aming version ng mga pangyayari. Malamang ‘yung mga makukuha naming witness e takot sa ‘min, kaya ang sasabihin nila e ‘yung pabor sa mga kasapi ng aming grupo.

4. We hereby reiterate the MILF’s full commitment to the peace process with the Philippine Government. An enduring peace and justice remain to be our primary objective. In this regard, all actions and pronouncements of our political and military units of the MILF should advance and adhere to this primary objective as much as possible and with due regard to the safety and security of our people and communities.

Ang intindi ko: Natatakot kaming resbakan ng pamahalaan ng Pilipinas, kaya inuulit po namin ang aming pagsuporta sa peace process. Pramis, susunod na po kami. Di na po talaga ‘to mauulit. Maawa na po kayo. Ayaw po namin sa all-out war na naman. Juicecolored!

5. The MILF have been in negotiations with the Philippine Government for some time now. During this time, both parties have established protocols, ways of proceedings and mechanisms, which support and keep the peace. Adherence to these mechanisms have created a peaceful environment and lessened actual hostilities through the years. It is unfortunate but not entirely surprising that when parties do not follow established protocols lives are placed in harm’s way. We therefore recommit ourselves to follow these processes and protocols.

Ang intindi ko: Di kasi kayo sumunod sa usapan natin. Kaya, ayan, buti nga sa inyo! Pero, please, ‘wag n’yo kaming pupulbusin. Di naman namin kasalanang sumuway sa napagkasunduan ‘yung mga alagad n’yo. Kayo ‘yung nagkamali. Kayo ‘yung di sumunod. Ba’t sa ‘min kayo nagagalit?

6. For widest dissemination.

Ang intindi ko: Dali! I-send n’yo na agad sa kanila para ma-delay ‘yung all-out war.

MILF