tagaligtas

by Sankage Steno


“ang mamatay nang dahil sa ‘yo”
dahil sa ‘yo, sumasaludo
bituin at araw, nagdilim
nagpalunod sa takipsilim
dugo sa lupa ay puhunan
laan para sa huling laban
kayo ay apatnapu’t apat
bangis-kidlat, buhay ay salat

di naman kayo kamag-anak
pero ba’t ako naiiyak?