Shit na malagkit

by Sankage Steno

‘Kala ko ba tropa tayo? Dapat tinutulungan mo ‘kong mag-move on…

Maaga ako kanina kaya dumaan muna ako sa Mercury Drug. Bumili ako ng specimen container para sa annual physical exam ko bukas. Habang namimili ako ng lalagyan (iba-iba kasi ‘yung kulay ng cap nila), merong isang mercurian ang lumapit sa likod ko at inassist ako. E andali lang naman ng problema ko. Namimili lang ako ng lalagyan. Di ko na lang s’ya pinansin. Medyo bastos, sorry naman, pero na-gets naman n’yang okey na ‘ko.

Kinuha ko ‘yung may dilaw na cap.

Naalala ko si papa. Eto na naman. Hindi pa rin ako makapag-move on. Mahigit sampung taon na ngang wala, di pa rin makaalis-alis sa attachment? E sa ganu’n talaga. Anong magagawa ko? Mapipigilan ko ba ‘yung mga alaala sa pabigla-bigla nilang pagsulpot sa isip ko? Di naman a.

Naalala ko si papa dahil du’n sa mercurian na nag-assist sa ‘ken. Wala lang. Naalala ko lang. Weirdo kasi minsan ‘yung utak ko. At the slightest provocation, kung anu-ano ang pinapalabas na images sa isipan ko. Ako naman ‘tong palapatol. Bigla na lang malulungkot o sasaya o mae-excite. Kaya tuloy ako nale-labelan na moody e. Again, kasalanan ko bang ganito ang wiring ng utak ko? Di naman a.

Bago pa ‘ko mag-break down and cry sa loob ng Mercury Drug, pumunta na ‘ko sa cashier at nagbayad. Di ko na pinabalot para mabilis, saka isa lang naman. Sinilid ko na lang sa dala kong bag ‘yung specimen container. Ang sosyal ng pangalan. Paglalagyan ko lang naman ng stool sample. Ay sosyal pa rin. Okey, fine, paglalagyan ko lang s’ya ng tae. Kapiranggot lang naman. Gusto mo pa ‘yung isang tipak? Shit naman neto.

Hindi ko gagawin ‘yon sa office. That thing. Sa bahay na lang. Dyahe masyado kung sa CR sa office pa ‘ko magkukutkot ng tae ko. Ang mahirap lang dito, baka hindi agad ako matae bukas. Me pagka-irregular din kasi ‘yung bituka ko. Jusko. Lahat na lang yata ng vital organs ko me isyu sa katawan. Este, me issue, period.

Kinausap ko tuloy ‘yung anus ko.

Sankage: Anus, bukas ha, makisama ka naman.

Anus: Pakshet.

Sankage: ‘Kala ko ba tropa tayo? Dapat tinutulungan mo ‘kong mag-move on. Kailangan ko lang talagang tumae bukas nang umaga para sa APE ko.

Anus: Fuck that shit.

Sankage: Sige na, Anus. This one time lang. ‘Wag ka namang ganyan. Bloody hell.

Anus: Tae mo bulok!

Sankage: Patira kita d’yan e.

Anus: Deal.