Bo’s

by Sankage Steno

Tangina. Napakahirap magpadugo ng utak. Kanina pa ‘ko nakatingin sa blankong papel ng Microsoft Word, hanggang ngayon wala pa rin ni isang patak ng dugo. Busilak pa rin ‘yung pagkaputi n’ya. Kelan ko ba mapapapula ‘to?

Taragis, asan na ba ‘yon? Miss, ‘yung inorder kong loose leaf tea, pa-follow up naman.

Balik sa pagpapadugo ng utak. Kung inaakala mong mahirap magsulat ng nobela, nagkakamali ka. Hindi s’ya mahirap. Putangina sa hirap! Teka, ha?

“Sir, your tea. I apologize for…”

No need to apologize.

Apat na buwan ang lumipas bago ko napapula ‘yung mga puting papel na sinusulatan ko. Apat na pukinenang buwan! At alam mo ba ang nakuha ko sa pagsusulat ng mahabang kwento na ‘to? Alam mo? ‘Wag kang tanga.

Ikaw.

Ikaw ‘yung nakuha ko. Kung di ko sinulat ‘tong nobelang ‘to sa lintik na tindahan n’yo na ‘yan, hindi kita makikilala. But don’t get me wrong. No. I have no regrets. Sa totoo lang, nagpapasalamat pa ‘ko. Kung sa’n? ‘Wag mo nang alamin. Sa akin na lang ‘yon. Kahit ‘yun man lang sana e matira ko para sa sarili.

HMMM

Damn it. Humihingi ako ng paumanhin sa sarili ko dahil di ko makayanang hindi magbigay. Kung likas sa mga alakdan ang manuklaw kapag may nakaambang panganib, likas naman sa ‘kin ang lalong maging mapagbigay. Kaya, ayan, binibigay ko na ‘yung apat na titik sa nag-iisang salitang ipinangalan ko sa aking nobela.

Eto pa, ‘wag kang atat. Kutusan kita d’yan e. ‘Yung kwento na ‘yan, hindi tungkol sa ‘yo. ‘Wag mong isiping lahat na lang e laging tungkol sa ‘yo. Hindi ka araw para ikutan ng mga planeta sa solar system nang paulit-ulit. Tao ka lang din. Tumatae nang mabaho. Pero ipapaalam ko pa rin sa ‘yo nang konti kung tungkol saan ‘yung kwento ko na ‘yan.

Tungkol ‘yan kay Satanas.

Well, not exactly. Isa lang s’ya sa apat na bida ng kwento kong ‘yan. Wala ka nga sa apat na ‘yon, ang kulet. Wala ka sa nobela ko, pero nasa kwento ka ng buhay ko. Pota.

At kahit ano pang gawin ko, pagbali-baligtarin ko man ‘yung synaptic connections sa utak ko, pagpalit-palitin ko man ‘yung arteries and veins ko sa puso, hindi ko na mababago ‘yung katotohanang nagkaroon ka ng papel sa kwento ng aking buhay.

Napaka-corny. Pero totoo. Ala akong magagawa.

At ala ka ring magagawa sa katotohanang naisulat ko na ‘yung kwento ko sa tindahan n’yo. Na nakilala mo ‘ko. Na naging kaibigan ko ‘yung mga katropa mo d’yan (maliban sa ‘yo). Na lumapit ka at lumayo dahil, ewan, siguro di ka pa matapang. Pisting yawa. Ano ‘yung sinabi ni Nietzsche?

Fear is the mother of morality.

Hindi ‘yan. Hindi ‘yan ‘yung kailangan mo o ‘yung hinahanap ko. Di ko nga ma-gets ‘yan e. Wala naman kasing context. Eto na lang. Mas may sense:

You have your way. I have my way. As for the right way, the correct way, and the only way, it does not exist.

Walang gano’n.

Si Satanas, ‘yung nasa kwento ko, ayun, bagot lang. Bored na s’ya sa paghahari sa impyerno, sa pagpaparusa sa kanya ng diyos. Pero chill lang. If you can’t beat it, join the fun. The fuck. Best friends n’ya sina Kupido at Kamatayan. Astig, di ba? Sayang lang at di mo na mababasa ‘yung kabuuan ng kwento.

Shet, ubos na ‘yung iniinom ko. This is it, pansit. Bwisit. Mag-isa akong pumunta rito, mag-isa rin akong aalis.

(Pero mas malaman na ‘ko ngayon, I guess.)

Kamatayan:        Naganap na.

Kupido:                Hindi pa tapos.

Lucifer:                 Anong…