Move lang, wala pang on

by Sankage Steno

Ang hirap talagang mag-move on. Buti na lang cute ako. Pero taragis talaga. Ano na lang kaya ang gagawin ko kung heartbroken na nga, pangit pa ‘ko? I feel sorry for you, guys. Etchos.

Grabe, taun-taon na lang gan’to? Merong makikilala, tapos magpapaasa, tapos wala? Aba matinde. Malapit na ‘kong maka-jackpot sa pa-bingo ni Roselle Nava. Isang tantos na lang, kakabig na ‘ko. Kung ano man ‘yon, bahala na si Batman. May GF ba s’ya? Sila ba ni Robin? O ni Alfred Pennyworth?

Kagabi ko lang napanood ‘yung That Thing Called Tadhana. (Ang galing ko talagang sumegue.) Okey lang s’ya for me. Maganda pero okey lang. Gets? Very English Only Please lang ang peg (na nagustuhan ko rin naman, in fairness). Marami s’yang hugot moments, pero mas naka-relate ako sa UP references at sa Sagada moments. Du’n sa masasakit na linya, well, sakto lang. Mas marami ‘yung tawa ko kesa du’n sa kurot moment. Siguro 10-3 ang score.

Click here para kumpleto ang feels.

Kasama kong nanood ‘yung dalawang kababata ko at best friends since kinder. Nanood kami ng LFS sa isang sinehan pero naghiwa-hiwalay kami ng upuan. Mahirap na. Baka magkakitaan kami ng mga mata habang nanonood. Pero wala namang naiyak sa ‘min, which is perfectly fine. Kahit nga ‘yung isang kasama ko na sobrang swak na swak sa kanya ‘yung role ni Angelica Panganiban, nakatawa pa after ng movie. Masaya naman talaga kasi ‘yung feel n’ya. O.A. lang siguro ‘yung ibang tao.

Speaking of masaya. Masaya ako kasi may kasama ako sa pinagdaraanan ko ngayon. Pinagdaraanan? Ang arte talaga. I mean, bukod sa ang gwapo-gwapo ko pa rin kahit sawi sa pag-ibig, napapalibutan din ako ng mga mabubuting kaibigan. Idagdag mo pa na nakakatawa sila. So hindi masyadong malungkot ‘yung pakiramdam ko. ‘Pag nag-iisa na lang, ganyan. Pero that’s expected na rin naman. Saka kahit naman mag-isa ako, safe pa rin kasi wala pa ‘ko sa puntong gusto ko nang maglaslas.

Mararanasan ko kaya ‘yun balang araw? Kahit takot ako sa dugo at matutulis na bagay?

Ayokong sagutin. Don’t even try.

Pero, grabe. Salamat du’n sa mga sumasama sa ‘kin tuwing lunch. Nakakatanggal talaga ng stress at lungkot. Salamat din du’n sa mga chinachat ko sa FB at tinetext out of the blue para mangamusta (pero sa totoo ako talaga ‘yung me gustong magpakamusta). Salamat din sa mga sumasama sa ‘king magkape. Alam n’yo na ‘yan. Ang puno’t dulo ng lahat. Pukinena. Salamat sa mga kasama ko sa bahay. Buti kasama ko kayo. Kung wala, baka kami lang ni Agnes the Faceless Kid ang andu’n. Juicecolored.

Kilala n’yo na kung sino kayo. Gusto n’yo pa special mention sa blog ko? Belat mo. (I’m so mature.) Uy, pero ano ha, tenkyu talaga. Pa-kiss! Mwah! Saka please ‘wag kayong manawa. I need to move it, move it!

Seriously, ano na lang kaya ang mangyayari sa ‘kin kung wala ‘yung kapogian ko at ‘yung mga kaibigan kong ‘to? Ayoko nang isipin. Magpapasalamat na lang ako. Basta kapag nakabawi na ‘ko, babawi ako sa inyo. Malamang.