Dito

by Sankage Steno

Naririnig mo ba ang pintig ng aking puso?

._ ._ ._

Banayad. Tuluy-tuloy. Walang maliw.

Lumilipas ang oras at nagpapalit ang mga araw. Sa tuwing gigising ako at magpapasalamat sa aking buhay, naririnig ko ang alingangaw ng pangungulila sa iyo. Dito. Sa puso ko. Laging may kulang sa aking pagpapasalamat—tila may halong kasinungalingan. May poot ba? Maaari. Ang nasisiguro ko, mayroon siyang kalakip na pag-asa. Walang halong biro.

Kapag nililibot ko ang bawat sulok ng bansa, nililibot ko rin ang iba’t ibang lunan sa aking pusong dapat sana ay nilalakbay¬†mo. Marahil ganoon din dapat ako sa iyo. Ngunit hindi. Hindi ba tayo karapatdapat sa biyayang ito?

Sabi nila, kusang dumarating ang pag-ibig. Kung nakakainip na, masisisi mo ba ako kung tulungan ko ang tadhanang pabilisin ang ating pagtatagpo? Kasalanan bang mangulila sa iyo at mangarap na mahalin ka?

._ ._ ._

Tumitibok ang aking puso para sa iyo.