Some people sa coffee shop

by Sankage Steno

Tambay na naman after work dito sa coffee shop. Amoy bawang ulit, kakagisa ng boss. So COCOL muna. Buti nakakapagsulat pa rin ako kahit medyo sumasakit ‘yung ulo ko. Thank you so much. Sulat-sulat lang saka nood-nood ng mga tao para ma-relax.

Naalala ko bigla ‘yung kaisa-isang episode ng Alias na napanood ko. Nakaupo si Jennifer Garner sa waiting area ng train station. Andu’n lang s’ya, nanonood ng mga taong labas-masok du’n sa istasyon ng tren. Tapos me lumapit sa kanyang friend n’ya (or was it her love interest?), tinanong kung ano ginagawa n’ya do’n. Alam mo sagot n’ya?

Sabi n’ya, “I like watching normal people going to and from their normal jobs.”

Something like that. Di ko na maalala exactly.

Hindi naman ako bayarang mamamatay-tao, pero nakaka-relate ako du’n sa character n’ya. Totoo naman kasing masarap manood ng tao paminsan-minsan, lalo na ngayong pagod ‘yung utak ko sa kakaisip sa trabaho kanina at gusto ko lang magpalipad ng isip. Para hindi naman laging pagpaslang ng tao ‘yung naiisip ko. Gusto ko kasing pumatay minsan. Don’t tell me never mo pang naisip na pumatay?

Biro lang.

Ayoko talagang pumatay. Ang gusto ko talaga e bumuhay. Or gumawa ng buhay. Joke! Ayokong magkaanak. Gusto ko pang maging single. Kung dati siguro, oo, gustung-gusto kong magkaanak. Pero ngayon? Ayoko na. Hindi kasi kaya, saka sobrang laking responsibilidad ang magpalaki ng anak. Just imagine kung magpapalaki ka ng batang katulad mo nu’ng bata ka pa lang. Magiging madali kaya?

Hindi ako maloko nu’ng bata, ngayon na lang, pero kahit na. Feeling ko sakit pa rin sa ulo kung palalakihin ko ‘yung isang tulad ko. Tapos paaaralin hanggang college. Tapos papagalitan at papaluin. I can’t! Naaawa ako. Baka maging spoiled lang sa ‘kin ‘yung magiging anak ko.

Kaya nakakabilib din ‘tong mga nakikita kong taong may kasamang bata rito sa coffee shop. Ang cute tingnan kapag may bitbit silang baby. Kagabi, me tumabi sa ‘king family na may dalang baby girl. Tinititigan ng baby girl ‘yung PC ko. Kinawayan ko saka nginitian. Tumitig lang s’ya. Ang cute! I’m happy for the family. Sad for myself. Di ko na kasi talaga makita ‘yung sarili kong magkakaroon pa ng normal na family. Kung magkakapamilya man ako, for sure it’s unconventional.

Pero sana happy pa rin.

For now, makukuntento muna ako sa panonood ng tao. Katulad netong mga pretentious bitches na tumabi sa ‘kin. Pa-English-English pa ang mga puta. Palibhasa, kakasweldo pa lang sa Convergys kaya malakas ang loob magkape dito. Charot lang. Kung makapanghamak naman ako.