Ang baril ni Jolo

by Sankage Steno

Kapag masamang damo talaga, mahirap mamatay. I should know. Hihi.

Nabalitaan mo naman siguro ‘yung nangyari nu’ng weekend: Binaril ni Jolo ‘yung sarili n’ya sa kanilang bahay. Sa kasamaang palad, nabuhay s’ya. Charot.

Syempre, ang sabi ng kampo nila, accident daw ‘yung nangyari. Nililinis daw ni Jolo ‘yung baril nang biglang pumutok at tinamaan s’ya sa upper right chest. Pero kung gun enthusiast ka o may common sense (which is not so common), alam mong hindi basta-basta puputok ang baril kung di mo hinahatak ang trigger. At lalong walang naglilinis ng baril na nakatutok sa kanya ‘yung barrel.

Tanga lang?

Syempre, isa sa mga una mong iisipin sa ganitong pangyayari ay: attempted suicide. Ang katakataka lang, kung nagtangka nga s’yang magpakamatay, bakit hindi sa ulo? Bakit sa kanang dibdib pa? E wala naman du’n ‘yung puso, di ba? Nasa gitna, closer to the left chest.

Tanga nga siguro.

Kaya para bigyang linaw ang mga bagay-bagay, minabuti kong kapanayamin ang konsensya ni Jolo. Inimbitahan ko s’ya sa isang condo sa Mandaluyong kung saan nakapisan ‘yung kanyang mag-ina. Secret lang natin ‘to, ha? ‘Wag kang maingay.

Sankage Steno (SS): Magandang araw, Konsensya ni Jolo.

Konsensya ni Jolo (KJ): Magandang araw din naman po.

SS: Hindi na ‘ko magpapaliguy-ligoy pa. Ang tanong ko, maliban sa anak ni Osang, sino pa ang nabuntis ni Jolo?

KJ: Um, ano… ahh, ibang topic po ‘yung napagkasunduan natin kaya po ako pumayag magpa-interview.

SS: A, oo nga naman. Sorry, nadala lang ako.

KJ: Okey lang po.

SS: Eto na talaga. Totoo bang binaril ni Jolo ang sarili n’ya?

KJ: Totoo po. Pinigilan ko nga po s’ya, kaya nga po hindi sa ulo tumama.

SS: Talaga nga?

KJ: Um, ano po, kasi, ang hirap n’ya pong i-convince. Napilitan na lang po akong makipag-compromise.

SS: Anong kompromiso?

KJ: Bulong ko po sa kanya, sabi ko, “Kung gusto mo talagang iputok ‘yang baril mo, puntahan mo na lang ‘yung ex mo. Du’n ka magpaputok sa loob.

SS: Anong putukan ba ‘tong sinasabi mo?

KJ: ‘Yun pong baril n’ya, ‘yung 2 inches po ang haba.

SS: 2 inches na baril? Sigurado ka ba sa sinasabi mo?

KJ: Opo, sigurado po. 2 inches po kapag galit. Kapag malumanay po s’ya, isang pulgada lang po. Pero kung malamig ‘yung panahon, minsan nagiging 0.5 inch na lang. Maliit lang po talaga ‘yung baril n’yang gamit.

SS: Nalilito ako, Konsensya. Pakidetalye nga sa akin ‘yung mga pangyayari nu’ng araw na pinaputok ni Jolo ‘yung baril n’ya.

KJ: Isang beses ko lang po itong sasabihin dahil wala po akong pahintulot mula sa amo kong natutulog pa ngayon. Makinig ka pong maigi.

SS: May recorder ako. Go lang.

KJ: E ‘yun na nga po. Gustung-gusto po n’yang magpaputok ng baril, e kaso ayaw po ni Jodi kasi pagod po sa trabaho. Du’n ko na nga po s’ya sinabihang magpaputok na lang sa ibang bahay. Du’n na lang kako sa ex n’ya. Tinawagan naman n’ya, e kaso ayaw sagutin. Nakalima o anim na tawag yata s’ya kaso walang nangyari. Hindi na po n’ya talaga mapigilang magpaputok. Naghuhuramentado na po s’ya sa kwarto. Si Jodi po, ayun, nilayasan s’ya bigla. Naiwan po s’ya sa bahay. Okey pa po ba kayo? Ba’t po kayo natatawa?

SS: Sorry, okey lang ako. Di ako natatawa. Naiiyak ako. Go ahead. Tuloy mo na ‘yung kwento.

KJ: So, ayun nga po. Di na po makapagpigil si Jolo. Kinasa po n’ya nang kinasa ‘yung baril n’yang 2 inches. Paulit-ulit po ‘yung pagkasa n’ya. Kasa lang nang kasa. Pabilis po nang pabilis ‘yung kamay n’ya. E sa sobrang bilis po ng pagkasa n’ya, di na n’ya napigilang paputukin ‘yung baril. Nu’ng saktong bago pumutok ‘yung baril, binulungan ko s’ya. Sabi ko, “Sigurado ka bang gusto mong paputukin ‘yan dito?” Ayun po, napatingala po s’ya at napaigtad nang konti, kaya po nu’ng pumutok ‘yung baril, sa dibdib po n’ya tumama ‘yung bala at hindi sa ulo. Ayun po ang nangyari.

SS: >.<

KJ: Bakit po kayo natatawa?

SS: Sorry, sorry. Di ako natatawa. Naiihi lang ako kanina pa. Di lang ako makaalis kasi di ko maiwan ‘yung kwento mo.

KJ: Ah, okey po. May tanong pa po ba kayo?

SS: Last na. Sigurado kang 2 inches lang ‘yung baril?

KJ: Siguradong-sigurado po. 2 inches!