You beach

by Sankage Steno

Gusto ko ng limang araw na bakasyon, tapos pupunta lang ako sa isang secluded beach. Magbibilad lang ako ng katawan du’n araw-araw. As in. Wala akong kahit anong saplot sa katawan. Hubo’t hubad talaga. Tapos magpapalutang-lutang lang ako sa tubig kapag gusto kong malamigan nang konti. Aahon lang ako sa gabi o kapag sunug na sunog na ‘yung balat ko.

Mamimitas ako ng sangkatutak na buko. Or bibili. Di naman ako sanay umakyat ng puno ng niyog. ‘Yun lang iinumin ko habang nakabilad sa may buhanginan. Magbabaon ako ng maraming junk food saka longganisa. Paborito ko ‘yun e. Saka bangus. Ipapaluto ko na lahat bago ako pumunta sa beach. Kapag napanis na ‘yung pagkain ko, puro junk food naman titirahin ko.

Hindi ako magdadala ng cellphone o laptop o relo. Bibilangin ko lang kung ilang beses sisikat at lulubog ‘yung araw. Kapag five times ko na s’yang nakitang sumikat at lumubog, saka pa lang ako uuwi.

Hindi rin ako magdadala ng pamalit na damit. Kung ano ‘yung sinuot ko nu’ng pumunta ako do’n, ‘yun din ang isusuot ko pag-uwi. Isasampay ko lang s’ya du’n sa mga palmera at mamumuhay ako na parang si Adan ng limang araw. Walang hiya-hiyang nakahubad at paduyan-duyan sa hangin ang titi at bayag.

Never ko pang nagawa ‘yun. Kasama na s’ya sa bucket list ko ngayon.

Putangina kasi ‘tong linggong ‘to. Napagod ako nang sobra sa trabaho. Dalawang araw kasing absent boss ko, so ako sumalo lahat ng trabaho n’ya. Tapos nu’ng bumalik naman s’ya, natambakan pa rin ako ng mga gagawin. Shutanginabels, di ba? Ang sarap tuloy mag-leave at pumunta sa malayong beach.

Sama ka?

‘Wag na. Mahihiya lang ako sa ‘yo kapag nakahubo’t hubad na ‘ko. Baka kung ano pa maisip mo. ‘Wag ganu’n. <wink>

Iniisip ko kung saang beach ‘yung walang laman talaga e. Wala ni isang tao maliban sa ‘ken. Meron pa naman akong libreng RT ticket from PAL na pwede kong gamitin to any domestic destination. Baka mag-Palawan na lang ako ulit. Tutal, marami namang beach du’n at isla na uninhabited. Pwede rin somewhere sa Mindanao. Sarangani kaya? Samal?

Kapag me napili na ‘kong beach, ‘wag kang magtaka kung isang linggong mabakante ‘tong blog ko.