Wanted: straight roommate

by Sankage Steno

Naghahanap ako ngayon ng malilipatang apartment e, tapos me nakita akong ad sa OLX na nagpaakyat ng dugo sa ulo ko. Seryoso. Eto ‘yung pruweba, tignan mo:

Room for Rent

Napansin mo ba ‘yung nakasulat sa baba? Hinde? Basahin mo ulit. Pero kung tamad ka, ako na magsasabi. Sabi du’n sa ad, sa may bandang ibaba:

Gay people are not allowed, please don’t give a try (gender discrimination? NO! safety first)

Tangina mo! Anong hindi gender discrimination? E napakalinaw kaya n’yang sinulat mo, tanginamo gago. The fact na ayaw mong tumanggap ng bakla sa apartment n’yo, na na-single out mo ‘yung gays, e malinaw pa sa sikat ng araw na diskriminasyon. Ang tanga mo, hindot!

Sorry, nadala lang ako ng emosyon ko. Okay na ‘ko. Putangina.

Hindi ko alam kung ano atraso sa ‘yo ng mga bakla at ayaw mo silang makasama sa bahay. I’m going to assume na may kinalaman sa seguridad mo ‘yung nangyari kasi, sabi mo, “safety first.” Baket, nanakawan ka ba ng bakla? Nabugbog? Ano, tinarantado ka ng bakla? Feeling mo naman bakla lang ang nagnanakaw, nambubugbog at nananarantado? Mas marami kayang lalakeng gano’n.

Kung me dapat kang ipagbawal sa room mo, mga lalake ‘yon.

Statistically speaking, mas maraming kriminal na lalake kesa babae, although aaminin kong hindi ako sigurado kung ilan sa mga lalaking kriminal ang bakla talaga. Iisipin kong konti lang. Mas marami pa rin ‘yung mga straight na lalake talaga.

Ngayon, kung hindi ka naman ninakawan o binugbog o tinarantado, e ano? Ni-rape ka ba? Ginapang ka? Kung gayon, bakit di ka lumaban? Kung pareho naman kayong lalake, I’m pretty sure na makakalaban ka kung ayaw mo talaga. Unless nagpatali ka o nagpakadena sa kama at saka ka ginapang. E tanga ka rin. Baka ginusto mo rin ‘yung nangyari. Nasaktan ka lang siguro nu’ng bigla kang tinira sa pwet. (Correct me if I’m wrong, ha? Baka kasi nasarapan ka lang talaga at ayaw mo lang ma-label-an na bakla.)

Umamin ka na kasi.

Gusto ko sanang ipatanggal ‘yang ad mo e, kaso naisip ko, ‘wag na lang. Kailangang makita ng lahat ‘yung kagaguhan mo. At mas karapatdapat na malaman nila ‘yung cellphone number mo.