Rodic’s

by Sankage Steno

Kelan ko lang nalaman na meron palang Rodic’s Diner sa Makati. Kung di ko pa sinamahan ‘yung kaibigan kong magpasa ng papel sa Maxicare, malapit du’n sa Makati Med, di ko pa malalaman.

Alam mo kasi, isa ang Rodic’s sa mga sikat na kainan sa UP. Naalala ko tuloy ‘yung first time kong kumain do’n, sa may Shopping Center pa. That was almost 11 years ago, putangina. Antanda ko na talaga. Imagine? Huling kain ko do’n, kung tama pagkakaalala ko, di pa ‘ko Singing Bee champion. Di pa ‘ko journalist. Di pa ‘ko blogger. Di pa ‘ko graduate ng UP. Di pa ‘ko ganu’n kagago.

E ngayon, sobrang dami nang nagbago. Pero virgin pa din. Virgin?

Tapos, naalala ko pa dati, singkwenta lang ‘yung bestseller nilang tapsilog. P50! Taragis ‘yan. E nu’ng kumain ako do’n sa Makati branch nila nu’ng isang araw, P95 na ang puta. Grabe. Samantalang nu’ng nag-aaral pa ‘ko sa UP, namamahalan na ‘ko sa singkwenta dahil ang budget ko lang sa lunch ko e nasa P40 to P45, ganyan. Sobrang tipid ko kaya noon. Well, matipid pa rin naman ako ngayon, pero at least kumikita na ‘ko ng sariling pera. Di na ‘ko nanghihingi ke mama.

Nakakatuwa lang ‘yung bilis ng panahon. I mean, oo, nakakatakot din kasi nga tumatanda ako, pero masarap din namang isiping andami nang nangyari sa buhay ko. Andami ko nang naranasang masasakit at masasayang pangyayari. Andami ko nang nasubukang gawin. Andami ko nang nakita at napuntahan. Ang mas maganda pa neto, there’s more to come.

Grabe ‘yung realizations ko ‘no? Puta. Kumain lang ako ng tapsilog sa Rodic’s, kung anu-ano na naisip ko. Try ko kayang bumalik ulit sa UP. Baka mas malalim pa ‘yung maisip ko. ‘Pag kasi andu’n ako, feeling ko tumataas ‘yung IQ ko ng 10 points e. Nagiging genius level ako bigla.

Wala, na-miss ko lang talaga ‘yung tapa flakes ng Rodic’s, ‘yung lasa at amoy ng pagkain at nu’ng lugar, ‘yung mga serbidor/a nila, ‘yung kadugyutan n’ya. Everything. Sana makabalik ulit ako du’n soon. Sasama na kita.

Rodic's Tapsilog