Oy, tara na!

by Sankage Steno

Sa dinami-rami ng nag-aaya sa ‘kin ng lakad sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, feeling ko wala ni isang matutuloy. Feeling ko lang talaga. Pero madalas naman mali ‘yung feeling ko e, kaya nga basted na naman. Putarages ‘yan.

Merong nagyayaya sa ‘kin sa Romblon from April 30-May 4, tapos meron din sa Marinduque ng April 18-19, then merong Mt. Pulag by second or third week ng May at saka Calaguas or Cagbalete ng second or third week din ng May. And remember, nasa ‘kin pa din ‘yung voucher ng PAL na pwede to any domestic destination. Ako na maraming chances na makabyahe.

Sana lang marami rin akong cash na pwedeng itapon sa iba’t ibang isla ng bansa.

Ang hirap pa naman ng pera ngayon dahil kakalipat ko lang ng bahay. Ilang libo rin ‘yung pinalipad ko. Medyo mabigat s’ya, pero I believe sulit naman. Tapos me pinag-iipunan pa ‘kong isang malaking gastos pagdating ng -ber months. Pero secret ko na muna ‘yon. Basta malaking halaga kakailanganin ko para do’n.

Ayoko namang umutang para lang makapagbyahe. Isa pa, it defeats the purpose of the trip kung sobra-sobra ‘yung magagastos ko. Well, marami naman akong friends. The more, the merrier. Pero sa mga lakad, mas marami, mas makakamura. At kung swerteng me isa pa ‘kong kasamang galante, baka makalibre pa ng bahay o pagkain kahit isang araw.

Malaking tipid na ‘yon.

Kailangang-kailangan ko pa man ding bumiyahe ngayon dahil 1) me sinusulat akong bagong novel at kailangan ko ng inspiration, 2) andaming pagbabagong nangyayari ngayon sa buhay ko at ng mga tao sa paligid ko kaya kailangan ko ng break, 3) sobra-sobra na ang dedication ko sa trabaho kaya kailangan kong lumayo muna pansamantala at 4) tag-init na! Ano, kung kelan walang mga bagyo sa Pilipinas, saka pa ‘ko tatamaring bumiyahe?

Grabe, nae-excite na ‘kong lumangoy sa dagat at tumalon sa taas ng waterfall. Nangangati na rin ‘yung mga paa ko kaya magpapakamot ako sa buhanginan at sa mga bundok. Gustung-gusto ko na ring makalanghap ng sariwang hangin. Maya’t maya kasi ‘yung pangungulangot ko rito sa Maynila dahil sa tindi ng polusyon. Nakakapagod kayang mangulangot.

oy tara na