Kumakawalanghiya

by Sankage Steno

Pumikit ako. Tatlong oras lang ang tulog. Pinasakan ko ng headset ‘yung mga tenga ko, saka pumili ng FM station na nagpapatugtog ng masiglang kanta. Busta Rhymes. Natapos. Pinalitan ng tatlong conyong babae. Antitinis ng boses ng mga pukinenang ire.

Pinatugtog ko na lang ‘yung Too Close ng Next, ‘yung awiting tungkol sa pagtigas ng kanyang titi sa loob ng club habang nakikipagsayawan sa isang babae. Di naman ako tinigasan, pero na-relax ako kahit papa’no. Pumikit ulit ako. Nakapikit habang nagta-type. Oo, touch typist ako. Kaya kong makipag-usap sa iba at matulog habang nagsusulat.

Inisip ko ‘yung crush ko. Inisip ko ‘yung kapatid kong babae. Inisip ko ‘yung beach sa malayong isla ng Pilipinas. Natigil ako. Nakahiga na ‘kong palutang-lutang sa malinaw na dagat. Nakapikit pa rin habang sinusunog ng araw ‘yung maamo kong mukha.

I was afraid this time would come. I wasn’t prepared to face this kind of hurting from within.

Lumabas si Ella Mae sa haraya ko. Paulit-ulit s’ya sa sinasabi n’ya. “I get it,” sabi ko. Di pa rin s’ya tumigil. “I get it. I get it. I get it.”

Lumangoy ako palayo sa dalampasigan. Nakapikit pa rin. Nakaharap sa kalangitang bughaw at may mangilan-ngilang ulap lang. Tatlong maliliit. Naramdaman kong may tumutusok sa likuran ko. Sea urchin? Alimango? Starfish? Coral?

Siya pala.

Time is down.

“So?” sabi ko sa kanya. “Anong ibig mong sabihin?”

Hindi s’ya umimik. Tinusok n’ya ulit ‘yung likuran ko saka s’ya umalis at di na bumalik. Pagdilat ko, nasa harap na ‘ko ng punong mangga sa bakuran namin. Napakaraming bulaklak. Palagay ko sa Mayo pa ‘to mahihinog at mapipitas.

“Anong ginagawa mo rito?” tanong ng punong mangga.

“Ikaw, anong ginagawa mo rito?” balik ko sa kanya. “Di ba pinaputol ka na ng kapitbahay natin? Pa’no ka nabuhay?”

“Basta.”

May narinig akong tili, tatlong sunud-sunod. Saka murahan. Putangina mo daw. Tarantado ka daw. Gago ka daw. Mamatay ka na daw. Hinayupak ka daw. Hindot ka daw. Haliparot ka daw. Isa’t kalahating araw akong nakinig sa gano’n. Walang tigil. Di ako naligo o kumain. Nakakabusog naman kasi s’ya.

Sasaya ka din… tiwala lang.