Dear Miss Salutatorian

by Sankage Steno

Congrats! Sikat ka na, girl! #ediwow

Taray mo ha, na-blog pa kita dito. You should be proud of yourself. Pero I’m sure mas proud ka dahil pinaglaban mo ‘yung sa tingin mo e tama. Bagay ka sa UP kung ganyan ka mag-isip, kaso sa UST ka pala nakapasa. Oh well.

Alam mo, Krisel, tanggapin mo na kasing salutatorian ka lang. Fine, given na dinaya ka nga o may maling sistema nga sa school n’yo at hindi talaga pinakita sa ‘yo ‘yung computation ng grade, kebs na lang. Alam mo naman sa sarili mong matalino ka e, okey na ‘yon.

Ang dating kasi sa ‘kin ng speech mo, bitter ka teh. ‘Wag kang ganyan. Marami ka pang chance na maging bitter sa college, lalo na ‘pag na-in love ka at nakipag-break. Pero kung nagpapraktis ka lang talaga sa pagiging bitter, e di push mo ‘yan. Keep it up.

Ano ba kasing pinaglalaban mo talaga? Gusto mo ba talagang isiwalat ‘yung kabulukan ng eskwelahan n’yo o gusto mo lang talagang maging valedictorian? Feeling ko kasi ‘yung pangalawa e. Kung tama ako, e parang me mali sa ‘yo. (Then again, kung suportado ka naman ng magulang mo sa ginawa mong ‘yan, fine, di mo kasalanan lahat. Part lang.)

Alam mo, girl, hindi naman mahalaga ang grades sa totoong buhay. Ako nga andami kong medals at certificates sa bahay, kaso ‘pag nagugutom ako, di ko naman sila makain. Ni hindi ko nga masanla ‘yung mga medals ko e. Tangina lang. Tapos kapag brokenhearted ako, lalo lang akong nade-depress. Kasi naiisip ko, “Tangina. Antalino ko nga, zero naman ang love life.”

O di ba?

Pero kung me jowa ka naman, #ediwow.

Saka kapag naman naka-graduate ka na ng college, di na mahalaga ‘yang mga honors-honors na ‘yan. Pati nga ‘yung laude-laude sa college, di ko rin nagamit. Siguro ‘yung ibang company titignan ‘yon, pero madalas naman hinde. Bragging rights lang s’ya teh, pramis.

Kaya ‘wag ka nang masyadong grade-conscious. Mag-enjoy ka na lang sa pag-aaral. Mas marami ka pang matututuhan, trust me.

But don’t get me wrong, ha? I admire your guts. At gusto ko ‘yung ginawa mong hindi mo binasa ‘yung prepared speech na inaprubahan ng school. Talagang palaban ka. Dapat talaga sa UP ka.

Pero kung ang pinaglalaban mo talaga ay ‘yung karapatan n’yong mga mag-aaral at gusto mong i-expose ‘yung mga mali d’yan sa school n’yo, aba, susuportahan pa kita, girl. Magdadala ako ng streamer at red paint, tapos gagawa ako ng effigy ng principal n’yo o kung sino mang lider n’yo d’yan. Laban kung laban.

Sayang lang talaga at di ka sa UP magka-college. (Ang kulit ko, ‘no?) Teka, nag-UPCAT ka ba? Pumasa ka ba?