Babay Zayn

by Sankage Steno

Hindi po totoong aanib sa ISIS si Zayn Malik kaya s’ya nag-quit sa One Direction. ‘Wag po kayong maniwala du’n. Alam ko po ‘yung totoong dahilan kung bakit di na s’ya nagtuloy sa Philippine leg ng kanilang world tour at kung bakit tuluyan na s’yang umalis sa napakasikat nilang grupo.

Nakausap ko sa Twitter si Zayn the night before n’yang i-announce ‘yung di n’ya pagpunta rito. Nag-DM kami, baket? Inggit ka? DM mo din s’ya.

Ang sabi n’ya sa akin, ayaw na raw n’yang sumali sa 1D at sa mga shows nito kasi lagi raw s’yang binabaskil. Hiyang-hiya na raw s’ya kapag kumakaway sa fans at kapag he’s putting his hands in the air like he just do not care. He cares! He cares about his basang kilikili! At di na raw n’ya talaga kaya.

Sabi ko, “‘Yun lang? That only? Not valid reasoning to quitting. Use Rexona nang boom-boom-pow!”

Tapos nag-reply s’ya after 15 minutes, sabi n’ya, “No can do, bro. Deo just don’t fix it no more. Gotta quit for good.”

Tanginang baskil ‘yan. Ako, as a not-so-avid fan, wala akong pake kung magkabaskil man s’ya habang nagko-concert o kahit nakapirmi lang sa isang tabi. Hindi isyu sa ‘kin ‘yon. It can happen to the best of us. E pa’no pa ‘yung mga die-hard fans talaga, di ba? I’m pretty sure they wouldn’t mind at all.

So ang ginawa ko, inungkat ko pa talaga. Di kasi ako makapaniwalang baskil lang ‘yung dahilan n’ya. Nag-DM ulit ako sa Twitter account n’ya. Sabi ko, “Hey, dude, u sureness to d highest level its just baskil? I don’t belebet.”

Sumagot s’ya after one hour. Siguro napaisip s’ya talaga kung aaminin n’ya sa ‘kin ‘yung totoong dahilan. Anyway, sabi n’ya, “Bro, to be 100% honest wit u, its not baskil ONLY. Karog, man. Karog!”

Ayun. Dahil sobrang busy n’ya sa career, wala na raw s’yang time mag-shave ng karog n’ya. Nag-suffer na daw ‘yung relationship n’ya with his GF dahil nga wala na s’yang panahong mag-ahit ng buhok sa katawan. Muka na raw s’yang tsonggo.

Ang hirap nga naman no’n. E ‘pag daw di pa s’ya nagpa-wax o kahit shave, tuluyan na raw s’yang iiwan ng kanyang nobya. E, syempre, kung mahal mo talaga ‘yung tao, gagawin mo lahat, kahit pa isakripisyo mo ‘yung career mo, ‘wag lang s’yang mawala sa ‘yo.

Du’n na talaga ako napaniwala. Ang hirap nga naman sa GF n’ya ‘yung binabaskil na nga s’ya, lumalago pa ‘yung karog n’ya. Tsk. Kawawa naman. Well, gudlak sa bagong buhay mo, Zayn. Always remember, BALIWAG.