NVM

by Sankage Steno

Marahil itatanong mo,
nanghihinayang ba ako
sa ibinigay kong oras,
sa ipinuhunang lakas
at sa lahat ng nagasta
upang mapaibig siya?

Ang aking tugon ay hindi!
sapagkat yaong sandali
ang nagturo nga sa akin
kung paano ko mahalin
siyang taong nakalaan
sa aking pusong nasaktan.

Bakit ako manlulumo
sa sinintang napalayo?
At bakit manghihinayang
sa pag-ibig na nasayang?
Di ba’t ito’y naging daan
upang kita’y matagpuan?