Sakura no jutsu

by Sankage Steno

Huy, asan ka kaninang lunch? Ako? Nagpunta ako sa park sa Ayala Triangle. Nahalina kasi ako ng mga puno du’n na bagong sibol ‘yung mga bulaklak, pero prior to that, na-inspire ako sa nakita kong puno sa may Intercontinental Hotel kaninang umaga. Eto, tignan mo:

Jpeg

Ang ganda, di ba? Aminin mo! E ano kung pink? Arte nito. Ang ganda kaya.

Na-sad lang ako kasi di ko alam kung ano ‘yung pangalan ng puno. Di naman kasi naturo sa school ‘yung pangalan ng mga local trees natin. Parang gusto ko tuloy maging dendrologist bigla. Hay, dami ko pang di alam, shet. Uy, kung alam mo ‘yung pangalan n’ya, comment mo lang, ha? Balak ko kasi s’yang itanim sa dream house ko.

For now tawagin muna natin s’yang Pinky.

Ngayon ko lang nalaman na meron pala tayong ganyang puno na parang Sakura sa Japan. Sabi kasi nila ‘yung Flame Tree daw (Caballero for some) ang panlaban natin sa Cherry Blossoms. Pwede naman, pero mas hawig ‘to e. Saka ‘yung Flame Tree kapag May pa talaga nagbu-bloom. Etong isang ‘to, ngayon mismo. Di ba ngayong panahon din namumulaklak ‘yung Sakura?

I’m not sure. You can correct me kung mali ako.

Eto pa. Tingin ka ulit sa picture ko sa taas. Nakikita mo ba ‘yung katabing puno ni Pinky? Maganda rin ‘yun ‘pag namulaklak. Sayang lang at nawala na ‘yung picture ko n’yan. Nasa isa kong phone na nasira. Kulay yellow naman s’ya kapag namulaklak. Ang ganda rin, pramis.

At di ko rin alam pangalan n’ya. Huhubels.

Sa’n ba makakabili ng picture book ng mga puno natin na may local at scientific names? Meron ba sa Booksale? Puro kasi foreign books ‘yung nakikita ko e. ‘Pag me nakita ka, bilin mo tapos regaluhan mo ‘ko. Thank you! Mwah!