Daytripper

by Sankage Steno

Nakalibre ako ng shower at powder kahapon habang papunta sa Minalungao. E pa’no ba naman, ‘yung guide/driver namin, sobrang amazing. Habang nakasakay sa likuran ng tricycle n’ya, panay ang kwento. Habang binabagtas namin ‘yung Nueva Ecija papuntang Sierra Madre, pansin kong parang umaambon at nababasa ‘yung mukha ko. E tirik na tirik naman ‘yung araw. Tapos, ang weird pa nito, umaambon lang kapag nagkukwento s’ya sa ‘kin.

I therefore concluded na laway n’ya ‘yung nililipad sa mukha ko.

E kasi ba naman, tuwing magsasalita s’ya, titingin pa s’ya sa ‘kin. (Tapos biglang aambon sa mukha ko.) E nasa likod nga ako n’ya, di ba? At s’ya ‘yung nagmamaneho. Medyo buwis-buhay din ‘yung part na ‘yon.

Eto pang mas matindi. Pagkatapos n’ya ‘kong paliguan ng laway, may bonus pang powder. Meron kasing part ng kalsada papunta sa Minalungao na rough road. Bilang holy week ngayon at maraming nagbabakasyon, syempre, maraming kasabay na sasakyan. ‘Yung nauuna sa ‘min, bukod sa usok ng kanilang tambutso, me dagdag pang alikabok. It’s so refreshing!

Buti na lang pogi ako. Maraming pores pa ‘yung kailangan kong buksan para tuluyang pumangit. Thank goodness at pinanganak akong may hitsura.

Hindi ko na ikukwento ‘yung nangyari sa Minalungao. Hindi lahat. Sa akin na lang ‘yon. Di mo rin naman papakinabangan. It’s safe to say na sunog ‘yung balat ko ngayon at sumasakit ‘yung mga kalamnan ko matapos umakyat ng bundok, tumawid ng ilog at suungin ‘yung malaking yungib nila du’n.

Grabe talagang mag-caving forever. Nagiging Kung Fu master ako bigla. Kung anu-anong animal style ‘yung ginagamit ko. Minsan alimango ‘yung galaw ko, minsan bibe, minsan uod, minsan tuko, minsan palaka. Tangina this. Buti na lang at madilim sa loob. Walang picture ng hitsura ko. Yes! Kebs na sa walang poise. E kesa naman mahulog ako’t mamatay, di ba? Magpapaka-shaolin na lang ako.

Btw, ang magical lang ng isa sa mga lungga nila du’n, pramis.

Bakit magical? Du’n lang ako nakakita ng cave na penetrated ng balete. Scary at amazing s’ya both at the same time, kaya magical. Para akong napunta sa mundo ng mga engkanto. Well, di na rin naman bago sa ‘kin ‘yun knowing I have this malaengkantong dating. Ang yabang ko ‘no? Don’t worry. Balang araw, babawiin din sa ‘kin lahat ng ito. Makakarma rin ako, wait ka lang. Mamamatay din ako someday. For now, kainggitan mo muna ako.

O s’ya, magtika at magngilin ka na muna habang nagpapaka-awesome ako rito. I’ll just leave you with this photo para ma-inspire ka ring magpaka-awesome sa boring mong life.

Jpeg