Maliligayang araw

by Sankage Steno

Compared sa Merry Christmas, ‘yung pagbati ng Happy Easter ngayon e me kahalong anxiety. I know, I know, sweeping generalization na naman ‘yung ginagawa ko, pero WTH, di naman ‘to graded paper, so I’ll stick to my argument.

Alam naman kasi nating huling araw na ‘to ng bakasyon, except sa mga nasa operations na wala naman talagang bakasyon. Bukas balik na naman sa pagharap sa boss, sa client sa customer at, para sa karamihan, sa computer. Tangina, naiisip ko pa lang nasisira na araw ko. Buti na lang wala akong boss bukas. Naka-leave pa rin. That’s a consolation, pero ako rin sasalo ng trabaho n’ya. Putek.

Ang mahirap pa kapag nababakasyon ka nang medyo matagal, napapasarap ‘yung kain at tulog mo, tapos in a snap, balik ka na naman sa gigising nang maaga, susuong sa trapik ng EDSA at kakain nang mabilisan kapag break para may time ka pa sa bangko o sa jowa mo o sa whatever mong chenes d’yan. Ansakit lang sa eyelashes.

Ang kagandahan lang nito, at least for me, e busy na naman. Nakakaburat kaya sa bahay minsan lalo na kung sobrang init. Mainit na nga ako, mainit pa ‘yung panahon. Redundant much. ‘Wag ganu’n.

Ang masaya sa pagiging busy, feeling mo me silbi ka sa mundo. Feeling mo, me sense ‘yung buhay mo. Feeling mo, bumabangon ka para sa mga mahal mo sa buhay. Feeling. Well, at least, preoccupied ka at hindi mo naiisip ‘yung mga bagay na magpapa-depress lalo sa ‘yo. An idle mind is the devil’s playground. E what if gusto kong makipaglaro sa devil? Alam na this.

Ang isa pang pampalubag-loob ko sa pagbabalik-Maynila ko in a few hours e ‘yung thought na makikita ko ulit ‘yung mga kaibigan ko. Fine, sama na natin ‘yung kaaway ko sa office. Masarap din namang me kaaway. Hindi boring ang life kapag may rivalry. Saka malaking tulong ang tsismis at siraan para magkaroon ng entertainment sa boring na trabaho.

Pero pinaka-thankful talaga ako sa aircon sa office. Hindi kasi namin mabuksan ‘yung AC unit dito sa bahay dahil malakas sa kuryente. At least sa office, malamig palagi. Di ko na kailangang isipin pa ‘yung pagbabayad ng kuryente. Me libre pang Internet. San ka pa?

Okey, tama na ang panloloko sa sarili. Kahit ano pang sabihin ko dito, alam kong naiinis ako’t pasukan na naman bukas. Tapos na ang maliligayang araw. Kung nararamdaman mo rin ‘yung nararamdaman ko, smile naman d’yan. Kahit fake, pwede na ‘yan. E ganu’n talaga ang disenyo ng buhay. Taragis. Smile pa ulit. Ayan, very good.

Haynako. Adult life. I wasn’t prepared for you. E sino ba?