Ala ka pala e

by Sankage Steno

Bakit hinayaan ni Allah na pasukin ng Al-Shabab ‘yung Garissa University College sa Kenya at pagbabarilin ng mga terorista ‘yung mga walang kalaban-labang mga estudyante? At nasaan s’ya nu’ng mga panahong nangyayari ‘yon? Ano, nagpi-picnic kasama ‘yung mga propeta?

Tangina lang.

Hoy, Allah, I’m talking to you. 148 lang naman ‘yung hinayaan mong mamatay nu’ng isang araw. Anyare? Nakabakasyon ka rin ba? Sa’ng lupalop ng universe ka naman napadpad at di mo yata naalala ‘yung masamang plano ng Al-Shabab du’n sa mga taga-Kenya? Ano bang pinagkakaabalahan mo talaga?

Siguro sinadya mong mamatay ‘yung mga estudyanteng ‘yun, ‘no? Siguro gusto mong daanin sa takot ‘yung mga tao para lalo silang sumampalataya sa ‘yo. Siguro ija-justify mo na naman itong nangyaring ‘to gamit ‘yung nasa banal na kasulatan. Tapos ang ending nito: All is well.

Utot mo.

Siguro hindi na mabisa ‘yung paniniwala sa One God. Muka kasing di mo kayang alagaan lahat ng nilikha mo e. Bakit kasi di ka na lang gumawa ng isa pang Allah? Mas okey ‘yon para ‘pag naisipan mong magbakasyon o kapag nakatulugan mo ‘yung pagbabantay sa buong universe, meron ka pang isang kahalili. Salitan kayo, ganyan.

Alam mo, Allah, andami nang namatay dahil sa pangalan mo. Ang mas matindi pa nito, mas marami ‘yung pumapatay dahil sa pangalan mo. Ano bang meron sa Allah at andaming buhay na nasasayang? Pangalanan ko kaya ‘yung magiging anak ko ng ‘Allah’ at baka sakaling magkaroon din s’ya ng mga fanatic na tagasunod tulad ng sa ‘yo. Ano sa tingin mo?

Di mo ba pwedeng pagsabihan ‘yang mga tagasunod mo na tigil-tigilan ‘yung pagpaslang sa mga inosente gamit ‘yung banal mong pangalan? ‘Pag ako nainis mo, papapalitan ko sa NSO ‘yang name mo. Nakakabanas ka na e.

E sino ba naman ako para utusan ka, di ba? Ikaw kaya ‘tong nakakaalam sa lahat. Ikaw kaya ‘tong one, true God. Pweh! Wala ka namang silbi. Lalo mo lang pinapalala ‘yung hidwaan ng mga tao sa mundo dahil sa relihiyon. May salam-salam ka pang nalalaman. Asan ‘yung peace na pinangako mo? Puro drowing ka lang naman e.

Ala ka pala, Allah, e. Ala! Boo!

Pag-untugin ko kayo ng Al-Shabab d’yan e. Gagawin ko kayong kebab o kaya shawarma para mas me pakinabang pa kayo. 148! Imagine that? E kelan lang ‘yung patayan sa Westgate, di ba? Di mo rin napigilan ‘yon. Ala ka talagang kwenta. Magpahinga ka na nga nang tuluyan. At itabi mo sa higaan mo ‘tong picture na ‘to. Sana makonsensya ka man lang (kung meron ka no’n).