Ihi sa pool

by Sankage Steno

Nasa Potipot Island ako nung isang linggo, tas kahapon, nasa 8Waves naman ako. Ako na talaga. Pero bago ka mainggit, isipin mo na lang na wala na kong pera at lupaypay na yung katawan sa dami ng gala. Ngayon na lang ulit ako nagka-time para sa blog ko.

Gusto ko lang i-share sa iyo na umihi ako sa dagat nung nasa Potipot ako. Well, lahat naman ng dagat na pinupuntahan ko, iniihian ko. Nakaihi na ‘ko sa Boracay, sa Coron, sa Bantayan, sa Panglao, sa Samal, sa Subic, sa Morong, sa Puerto Galera, sa Batangas, sa Siquijor at kung saan-saan pa. Di naman ako mukang aso na nagmamarka ng teritoryo no?

Slight lang.

Pero ang weird lang kase. Kapag lumalangoy ako at di sinasadyang nakakainom ng tubig-dagat, hindi ako nandidiri. I mean, ayoko sa feeling, masakit at di masarap, pero hindi ko naiisip na andami nang umihi sa dagat at ilang species na yung namatay at na-decompose sa ilalim nun.

Compare natin sa swimming pool.

Di ba nga nasa 8Waves ako kahapon? Tamad na tamad akong lumusong sa lap pool nila dahil andaming tao. Pero syempre ayoko namang tumanga lang dun at magpaka-KJ, kaya, ayun, lumusong din ako after kong kumuha ng lakas ng loob sa Pall Mall. P40 lang for 20 pieces sa 7Eleven.

Pag-dive ko, nilangoy ko yung buong pool, tapos isa pa pabalik, tapos nakita ko yung kapatid ko at yung asawa nyang hinihiram sa kin yung susi ng cottage. E di langoy ulit ako papunta sa kanila. Dun ako di sinasadyang nakainom ng tubig.

Putang ines! Gusto kong masuka right then and there. Diring-diri ako puta. Tengene telege. Tas nung nakita ko pa yung mga kasama kong lumalangoy sa pool na dumudura kapag nagda-dive, gusto ko nang magpakamatay. Take me, lord. Take me!

Eto pa. Pa’no kung me umihi na pala do’n? Para akong na-rape. Gusto kong baligtarin yung laman-loob ko na parang nagbabaligtad ng pinatuyong sinampay. Gusto kong umihi at masuka para ilabas yung nainom kong tubig. But no. Na-absorb na sya ng katawang lupa ko. Andumi-dumi ko na. I’m not worthy. Kill me now.

Okay, ang O.A. ko na. Sorry naman. Inamin ko namang umiihi ako sa dagat, di ba? Pero, I swear, hindi ako umiihi o dumudura kapag nasa swimming pool. Hindi naman kasi inaalon yun at di rin kalakihan. Enclosed po sya. So kung anong ilagay mo dun, andun lang sya hanggat di napapalitan yung tubig. Isa syang malaking bathtub na puno ng bodily secretions and fluids.

Yak!

Maarte na kung maarte, pero di na talaga muna ako maliligo sa swimming pool anytime soon. Baka hindi na ever this tag-araw. Balak ko pa namang i-perfect yung freestyle at breaststroke ko, pero di ko na nagawa. Umalis na ko sa lap pool at nagbanlaw. Psychologically man lang, maialis ko yung kumapit sa king mga libag at ihi.

Yak talaga. Conyo mode activate! Eww. <Suka>

http://www.geocities.ws/lakbaylakan_english/8waves1.jpg