Ibang-iba bukas

by Sankage Steno

Iba ang sikat ng araw bukas. Feeling ko mas warm and juicy. Juicy talaga? At dahil kakaiba ang araw bukas, dapat may gawin din akong kakaiba. I wanna try something new, something I’ve never done before. Iningles ko lang, puta.

Trivia: Bukas ang 111th day (112th kung leap year) sa Gregorian calendar.

What if I kiss a girl just to try it? The taste of her cheery chapstick. ‘Wag, corny. Baka masuka lang ako. Saka sino namang babae ang magkakagustong makipaghalikan sa ‘kin? Gwapo lang naman ako at matangkad at maangas. Sino, aber?

That’s one option, pero huling-huli na ‘yan. Mas gusto ko syempre ang birthday sex. Sino bang me ayaw? ‘Yung unprotected sex dapat. Joke! Biro lang, gago. Safe and satisfying sex dapat. Gumamit po tayo ng condom. Pramis, hindi po tayo mapupunta sa impyerno kapag gumamit ng contraceptive.

Mababawasan pa nga yung mga makasalanan sa mundo e.

Ang mapupunta lang sa impyerno ay yung mga relihiyosong nangmomolestiya ng mga bata at mga inosente. But I’m not so sure. Baka kasi sa langit pa rin sila mapunta dahil may malakas silang backer sa simbahan. If that will be the case, sa impyerno na lang po ako. Thankyouverymuch.

Ayun nga, mabalik ako. Nag-iisip pa ‘ko ng gagawin kong kakaiba bukas. Pwede akong magpasikat by wearing a tag saying, “Free Hug. It’s my birthday.” Tapos magliliwaliw ako sa mga park at mall para maraming tao ang maengganyong yumakap sa ‘kin. For sure naman kahit isa me kakagat d’yan. Kung wala, I’ll hug a tree.

Pwede rin akong maging prostitute for a night. Tatambay lang siguro ako sa may P. Burgos at Kalayaan Avenue bukas ng gabi tapos magsasando lang ako at magsusuot ng mumurahing pabango. Kakapalan ko rin yung wax ko sa buhok para mukang call boy talaga. Siguro naman me papatol sa ‘kin kahit pang-almusal lang na bayad. Isa ‘to sa top choice ko.

Meron pa ‘kong isang gustong subukan bukas e, kaso nahihiya akong sabihin dito. Baka kasi mabasa n’ya, e magkikita pa naman kami bukas. Gagawin ko na lang para tapos ang usapan. Talk is cheap, right? Actions speak louder than words. Or whatever.

Kung me suggestion ka na pwede kong gawin bukas, lagay mo lang sa comment. Okay lang kahit death-defying o illegal. ‘Wag lang yung magastos. Wala pa ‘kong pera. Paparating pa lang.