Nakapag-Puerto Galera ka na ba?

by Sankage Steno

Kung oo ang sagot mo, dapat mong malaman na malaki ang naging kontribusyon ng mga Mangyan para mapanatili ang kalinisan at kagandahan ng kapaligiran sa Mindoro, kasama na syempre ang Puerto Galera. At dapat mo ring malaman yung balita ngayon tungkol sa kanila.

Pinapaalis kasi yung mga Mangyan (subtribe: Iraya Mangyan) sa Puerto Galera ng National Council on Indigenous Peoples (NCIP). Balak kasing magtayo ng sanitary landfill sa ancestral domain nila o dun sa kanilang nasasakupang lugar. Nandito yung kabuuan ng balita.

Nakakapagtaka lang na mismong NCIP pa yung nagpapaalis sa mga Mangyan, to think na sila nga tong dapat na magprotekta sa kanila at sa iba pang mga katutubong Pilipino sa bansa natin. Medyo shady rin yung balita na yan kasi side lang ng mga Mangyan yung nahingan ng statement. Pero di naman siguro nalalayo sa katotohanan to.

And the truth of the matter is: Gusto ngang paalisin yung mga Iraya Mangyan sa tirahan nila para matayuan yon ng sanitary landfill.

Siguro malaki na yung na-kickback ng NCIP kung kaya pinayagan nilang magtayo ng landfill doon. Wala na bang ibang lugar sa isla na yon na pwede nilang pagtapunan ng basura? Bakit kailangang dun pa sa ancestral domain ng mga Mangyan? Wala na bang bakanteng lote doon na hindi makakaapekto sa mga katutubo at sa kalikasan?

Ang laki kaya ng Mindoro.

Baka nakakalimutan ng mga taong ire na sa turismo kumukuha ng ikabubuhay ang nakararaming taga-Mindoro. Kung masisira ang ancestral domain at kung maaapektuhan ang Tamaraw Falls, sila rin ang mawawalan ng kita. Magkano nga kaya yung perang inoffer sa NCIP? Medyo makapal din ang mukha, hano?

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sila pa mismo yung kumakalaban sa mga Mangyan. Kaya nga binuo ang NCIP para tulungan yung mga katutubo, di ba? Anyare? Paulit-ulit na lang ako, pero nakakagago kasi. Para kang bumuo ng pulisya tapos yung mga pulis pa mismo ang gumagawa ng krimen.

Oh, wait. Well.

Now, kung di ka pa nakakapag-Puerto Galera, di rin naman masamang malaman mo ‘tong isyu na ‘to. At sana dumami pa yung nakakaalam. Sana umabot sa kinauukulan. Nakakabanas lang e. Kung NCIP pa mismo ang kumakalaban sa mga Mangyan, sino na lang ang tutulong sa mga katutubong ito?

Tayo na lang. Please spread the news.